Obesity isa nang epidemic sa COVID-19 pandemic
MANILA, Philippines — Maituturing na ngayong epidemic ang Obesity o pagiging masyadong mataba at overweight na sumabay sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dr. Mia Fojas, isang endocrinologist at dating Presidente ng Philippine Association for the Study of Overweight and Obesity, kailangan nang magpakonsulta sa kanilang doktor ang mga obese dahil sa tatlong Pinoy ngayon ay may isang obese o malapit nang maging obese.
Batay anya sa tala, may 33.9 milyong Pinoy noong 2019 ay obese.
Anya, mas dumarami ang mataba ngayon dahil madalas kumain ang mga Pinoy ng mga unhealthy foods.
“It’s just no longer just being matakaw or tamad. It’s beyond that, it is a disease. It increases the risk of sleep apnea progression, it’s associated with mental health problems. We have fast lives so we hardly have any time to do any physical activities. We just sit down and work and eat, also there’s sleep deprivation, a lot of stress going on. There’s also an epidemic of physical inactivity in our country,” dagdag ni Fojas.
Ang obesity ay maaaring pag-ugatan ng ibat ibang uri ng sakit tulad ng diabetes at hypertension. Kung may ganito na anyang sakit ay mas kailangang magbawas ng timbang at kumonsulta sa doktor.
Sinabi din nito na may 5-30 percent lamang namamana ang pagiging mataba ng isang tao.
Mas mainam na kumain ng gulay at mag-exercise. Hindi anya kailangan na pumunta sa gym para makapagpapawis dahil maaaring gamitin ang pag-akyat panaog sa hagdan sa loob ng bahay para pawisan.
Dapat din anyang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan na mapigilan ang pagtaas ng kaso ng obesity bilang public health concern at maglaan ng kaukulang programa para mapigilan ito.
- Latest