^

Bansa

Sabwatan vs e-sabong ikinanta ni Atong Ang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sabwatan vs e-sabong ikinanta ni Atong Ang
Sa gitna ng pagdinig ng Senate committee on public order and dange­rous drugs, iginiit ni Ang na papatunayan niya na may conspiracy o sabwatan sa nangyaring pagkawala ng 31 sabungero at siya lang ang idinidiin dito dahil siya ang may-ari ng Lucky 8 at dinadaan lamang siya sa trial by publicity. Wala anya siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.
Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Itinuro ni  Charlie “Atong” Ang mga dating opisyal ng gobyerno kabilang ang isang retiradong hepe ng Philippine National Police (PNP) at kasalukuyang kongresista na umano’y nagsasabwatan laban sa kanya dahil sa paghawak niya ng pinakamalaking online sabong operations sa bansa.

Sa gitna ng pagdinig ng Senate committee on public order and dange­rous drugs, iginiit ni Ang na papatunayan niya na may conspiracy o sabwatan sa nangyaring pagkawala ng 31 sabungero at siya lang ang idinidiin dito dahil siya ang may-ari ng Lucky 8 at dinadaan lamang siya sa trial by publicity. Wala anya siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.

Itinanggi naman ni Sen. Ronald Dela Rosa, chairman ng komite na sini-single out nila ang Lucky 8 Star Quest Inc.

Hiniling naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Ang kung sino pa ang nag-o-operate ng lisensyadong e-sabong.

Tinukoy niya ang isang Pineda, isang Congressman Teves, dating Congressman Patrick Antonio, dating Mayor Elan Nagaño, at dating PNP chief Camilo Cascolan.

Samantala, mula ?sa 31 ay umakyat na sa 34 ang bilang ng nawawalang sabungero.

ATONG ANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with