^

Bansa

Robredo plano i-'certify as urgent' panukala vs kontraktwalisasyon

James Relativo - Philstar.com
Robredo plano i-'certify as urgent' panukala vs kontraktwalisasyon
Philippine Vice President and opposition presidential candidate Leni Robredo (C) waves and speaks from a truck during a campaign rally in the town of Libamanan, Camarines Sur province, south of Manila on February 8, 2022, as candidates hit the road for the start of the three-month long campaign season.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Kung magwawagi sa pagkapangulo sa 2022, isa ang Security of Tenure Bill sa papapaspasan ni Bise Presidente Leni Robredo upang tugunan ang problema ng kontraktwalisasyon ng mga manggagawa sa Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Veritas, Miyerkules, sinabi ni VP Leni na isa ito sa mga isyung dapat klaruhin sa pag-asikaso sa karapatan ng mga obrero habang gumagawa ng business climate kung saan lalago pa rin ang mga negosyo.

"Kailangan nang ipasa ng Kongreso na kapag nakaupo tayo... ise-certify as urgent natin. 'Yung isa dito yung pagpasa ng security of tenure bill sa Kongreso na long overdue," wika ni Robredo kanina.

"Kasama rin nito yung mga ibang kaugnay na batas at polisiya na magtitiyak at magpapalakas ng seguridad sa trabaho para sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor."

Nobyembre 2021 lang nang lumagda si Robredo sa isang five-point-convenant sa mga labor leaders habang pinapangakong tatapusin ang labor contractualization at endo ("end of contract") — ang huli ginagamit upang hindi maregular sa trabaho ang mga manggagawa sa gamit ang panandaliang hiring. Kapag umabot ng anim na buwan sa trabaho ang manggagawa, dapat ay regular na siya.

Pag-amyenda sa Labor Code

Dagdag pa ni Robredo, kailangan nang amyemdahan ang Labor Code lalo na't ang "endo, yung usapin sa contractualization, naka-intertwine... sa ibang mga provisions ng Labor Code na kailangan nating klaruhin."

"Halimbawa, ano ba yung difference between prohibiting subcontracting and allowable contracting. Kailangan ma-institutionalize na ito. Ngayon po mayroong mga dine-describe na bawal ang labor-only contracting, pero yung job contracting is allowed," dagdag pa niya.

"Mayroong pinasang version sa Congress na na-veto ng presidente. Eh yung version na yun, parehong hindi 100% satisfied yung employers and employees, pero napagkasunduan nila na important first step na yun."

Kahit na naipasa na ng Konggreso, matatandaang vineto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure and End of Endo Act of 2018 noong 2019 dahil sa "sobra-sobrang pagpapalawak" ng depenisyon ng labor-only contracting, dahilan para i-ban daw nito ang ilang porma nito na "hindi naman nakasasama sa manggagawa."

Ang hinarang na panukalang batas noon ni Duterte ay malabnaw na nga kung tutuusin para sa mga grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno at Makabayan bloc, dahilan para magtulak sila ng hiwalay na bill na magbabawal sa "lahat ng uri ng kontraktwalisasyon at fixed-term employment." Ang Makabayan bloc ay ineendorso ang kandidatura ni Robredo.

Iba pang 2022 candidates sa kontraktwalisasyon

Una nang sinabi ni dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na tumatakbo rin sa pagkapresidente at karibal ni Robredo, na gagawing prayoridad niya ang isang Security of Tenure bill. Gayunpaman, hindi pa klaro kung nais niyang pagbawalan ang lahat ng uri ng kontraktwalisasyon at panandaliang empleyo.

"Dapat ang pagtingin natin hindi magkalaban ang employer and employee. Pero ang trabaho ng pamahalaan, ang trabaho ng national government, siguruhin na yung mga manggagawa ay on equal footing with the employers para yung boses nila kasinglakas ng mga employers," sabi pa ng bise presidente.

Maliban kina Robredo, isa si Ka Leody de Guzman sa mga kilalang presidential candidates na nagtutulak ng pagtapos ng kontraktwalisasyon.

Una nang binanatan ni De Guzman si presidential candidate Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nang sabihin ng huli na hindi niya prayoridad ang regularisasyon ng mga manggagawa. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

2022 NATIONAL ELECTIONS

CONTRACTUALIZATION

ENDO

LABOR CODE

LENI ROBREDO

WORKER'S RIGHTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with