Survey trajectory ni BBM, pataas pa
MANILA, Philippines — Mahigit dalawang buwan pa bago ang halalan sa Mayo, napanatili ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang lamang sa mga katunggali matapos makapagtala ng 53 porsyento sa pinakahuling Pulso ng Pilipino survey na isinagawa ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Peb. 9-15.
Malayong nasa pangalawa si Robredo na may 16.75%. Pangatlo si Isko Domagoso, 11.25%; Ping Lacson, 8.75 % at Manny Pacquiao, 6%.
Lamang din si Marcos sa lahat ng rehiyon sa bansa na may pinakamataas na bilang sa Mindanao na mayroong 56% kumpara kay Robredo, 11%.
Ang 53% ni Marcos ay mas mataas pa ng 2 porsyento sa huling Pulso ng Pilipino survey ng The Center noong Enero 10-16.
Sa pinakahuling survey, si Marcos din ang nanguna sa NCR, 51%; Luzon, 53% at sa Visayas, 52%. Pangalawa si Robredo sa NCR, 20%; Luzon, 19% at Visayas, 17%.
Si Marcos din ang nanguna sa lahat ng klase, 43% sa ABC class, 45% sa class D at 40% sa Class E.
Ayon kay The Center Director Ed Malay, ang patuloy na pamamayagpag ni Marcos sa kanilang survey ay nagpapakita na posibleng siya na ang mananalo sa darating na halalan.
Sa karera naman sa pagka-bise presidente, nangunguna pa rin si Sara Durerte, 54%; Vicente Sotto III, 25%; Willie Ong, 11%, Francisco “Kiko” Pangilinan, 4%, Joselito Atienza, 2% at Walden Bello, .5% habang 3.5% undecided.
- Latest