^

Bansa

Ukrainian president humingi na ng ceasefire

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela na ng ceasefire si Ukraine President Volodymyr Zelensky sa Russia.

Sa pamamagitan ng salitang Ruso at Ukrainian ay nagpahayag si Zelensky ng mensahe sa mga kababayan habang umapela naman siya sa Russia na itigil ang pag­lusob sa kanila para na rin maiwasan ang higit na pinsala.

Sinabi pa ni Zelensky na magpapatuloy na lumalaban ang kanyang bansa hanggang hindi tumigil ang Russia sa pag-atake nito.

Kasabay nito, sumiklab naman ang giyera sa mismong loob ng Kyiv kung saan matatagpuan ang pamahalaang Ukraine at headquarters ng military nito.

Isa umanong eroplano ng Russia ang nag-crash o napabagsak ng Ukrainian military sa mga kabahayan habang sunud-sunod naman ang mga missile na bumabagsak sa lungsod mula sa mga pwer­sa ng Russian military.

Hinaing naman ni Ze­lensky ang kawalan ng ayuda mula sa mga kaal­yado nito na United States, United Kingdom, European Union at North Atlantic Treaty Organization.

Inakusahan din niya ang mga ito na nanonood lang sa nangyayari mula sa malalayong lugar.

Ito ay sa kabila ng pangako ng mga ito na dedepensahan nila ang bawat pulgada na sakop ng NATO na maaaring pasukin ng mga pwersa ng Russia.

Nabatid na hindi naman miyembro ng EU at NATO ang Ukraine kaya hindi makapaghatid ng tulong, lalo na ng sundalo at nasabing mga bansa at organisasyon.

Hanggang sa pagparalisa lamang sa ekonomiya ng Russia ang nagagawa ng mga nasabing kaalyado ng Ukraine subalit hindi naman umano ito sapat.

CEASEFIRE

UKRAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with