^

Bansa

NCR hinog na sa Alert Level 1 – DOH

Danilo Garcia, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
NCR hinog na sa Alert Level 1 – DOH
Parents accompany their kids for the vaccination Filipinos aged 5 to 11 years at an SM mall in Sta. Rasa, Laguna on Monday, Feb. 14, 2022.
The STAR / Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Mismong si Health Secretary Francisco Duque III na ang nagsabi na hinog na para ideklara ang Alert Level 1 sa National Capital Region base sa mga pamantayan na inilatag ng gobyerno.

Bagaman nakatakda pa lang pag-usapan kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang posibleng pagdedeklara ng Alert Level 1 sa NCR nagkasundo rin ang mga Metro Manila Mayors na irekomenda ang nasabing alert level sa NCR.

“Kung ako ay tatanungin, hindi naman na­ngangahulugan na ‘yung sasabihin ko ay ‘yan ang position ng collective IATF, sila naman ang NCR ay pasado na sa kanilang mga metrics. Hinog, in other words,” ayon kay Duque.

Inilatag ni Duque ang mga dahilan kung bakit posibleng ibaba na sa Alert Level 1 ang NCR katulad ng dalawang linggong growth rate na negatibo na at moderate na daily attack rate na kapag pinagsama aniya ay katumbas na ng isang low risk classification.

Pero titingnan din aniya sa datos kung 80% ng mga senior citizens sa NCR ay bakunado at 70% naman sa target na populasyon

Hindi lamang aniya ang NCR ang posibleng maibaba sa Alert Level 1 kundi maging ang iba pang lugar sa bansa.

ALERT LEVEL

COVID-19

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with