^

Bansa

'Pinakamaluwag': Alert Level 1 inirekomenda ng 17 NCR mayors sa March 1

James Relativo - Philstar.com
'Pinakamaluwag': Alert Level 1 inirekomenda ng 17 NCR mayors sa March 1
Parents accompany their kids for the vaccination Filipinos aged 5 to 11 years at an SM mall in Sta. Rasa, Laguna on Monday, Feb. 14, 2022.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nagkasundo na ang lahat ng alkalde ng Metro Manila na isailalim ang sa pinakamaluwag na Alert Level 1 ang rehiyon pagpasok ng ika-1 ng Marso, kasabay ng pagbaba sa COVID-19 cases sa bansa nitong mga nagdaang linggo.

Ito ang ibinahagi ni Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa panayam nina Ted Failon at DJ Chacha sa Radyo5, Miyerkules.

"Pinagkasunduan po talaga, unanimously... ang ating irerekomenda sa ating [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] 'yung pong downgrading to Alert Level 1 starting March 1," ani Olivarez kanina.

"Nagpasa po kami ng resolution, recommendatory lang po ito, based po sa aming nakikita sa ground at based po doon sa aming mga data... at 'yung consolidation ng mga data galing po sa ating [Department of Health]."

Matapos pagdiskusyunan ng IATF, rekomendasyon na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang masusunod pagdating sa kahihinatnan ng National Capital Region (NCR) sa susunod na linggo. Sa huli't huli, nakay Digong ang bola pagdating sa pagdedesisyon.

Nakatakdang mag-usap hinggil sa isyu ang IATF sa Huwebes.

"Ang unang-una po nating [basehan]... ay 'yung ating risk classification. Ngayon po ang ating Metro Manila... nasa low-risk na po tayo," dagdag ni Olivarez.

"'Yun pong ating healthcare utilization po natin sa Metro Manila, less than 30% na po tayo. At ang maganda po rito, patuloy pong bumababa ang mga kaso po natin."

Bukod pa riyan, sinasabing lagpas na sa 80% ang porsyento ng nakakakuha ng COVID-19 vaccination sa mga Metro Manila local government units (LGUs). Mas mababa na rin daw sa 5% ang positivity rate sa ngayon kung titignan ang mga datos.

Sang-ayon ang sinasabi ni Olivarez sa datos na inilabas ng OCTA Research Group, kung saan below 5% na ang positivity rate ng NCR. Ganito rin naman daw sa mga probinsya ng Batangas, Cavite, Laguna at Rizal, habang nasa "very low risk" naman ang Quezon, sabi ni OCTA Research fellow Guido David.

Alert Level 1 ano ba talaga?

Sa ilalim ng Alert Level 1, papayagan na ang lahat ng aktibidad at lahat ng establisyamento sa 100% capacity, ngunit kailangan pa ring sumunod sa minimum public health standards.

"Susunod pa rin po tayo... sa mga minimum public health standards. So ibig sabihin, hindi pa rin po mawawala ang [face] mask natin at ang [physical] distancing sa ating mga kababayan," dagdag pa ng MMC chair.

"New normal na po ito."

Martes lang nang sumadsad sa 1,019 ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, na halos malapit na sa lebel bago dumami ang mas nakahahawang Omicron variant sa Pilipinas. 13 lang din ang naitalang bagong namatay sa sakit kahapon.

Aabot na sa 3.65 milyon ang nahahawaan nito sa Pilipinas ayon sa DOH jhabang 55,776 naman na ang namamatay. — may mga ulat mula sa Radyo5

METRO MANILA COUNCIL

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with