^

Bansa

Tarlac Rep. Cojuangco pumanaw na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na sa edad na 58-anyos si 1st District Tarlac Rep. Charlie Cojuangco.

Ito ang kinumpirma nitong Martes ng misis ni Rep. Cojuangco na si Czarina Maria “China” Jocson Cojuangco sa kaniyang facebook post.

“It is with a heavy heart that we regret to inform you that my husband, Claudia and Jaime’s father, Carlos “Charlie” Cojuangco, has passed away. Details of the wake and interment to follow”, ayon kay China sa kaniyang malungkot na mensahe sa facebook account.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye sa sanhi ng pagpanaw ng Kongresista. Si Cojuangco ay nakaligtas sa aksidente sa circuit race noong Oktubre 2021 matapos dumanas ng aneurysm.

Ang Kongresista ay pinakabatang anak na lalaki ng business tycoon at sports patron na si da­ting Tarlac Gov. Eduardo “Danding” Cojuangco Jr. ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na namatay naman noong Hun­yo 2020.

Bago ang pagpanaw ng Kongresista ay kumandidato itong muli sa ikatlong termino bilang kinatawan ng 1stDistrict ng Tarlac sa May 2022 national elections. Si Cojuangco ay pinalitan ng kaniyang anak na si Jaime.

CHARLIE COJUANGCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with