^

Bansa

Suporta ng OFWs bumuhos kay BBM

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit pang nadagdagan ang tsansa ni presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na tuluyang magwagi sa dara­ting na eleksyon ngayong Mayo 2022 matapos bumuhos din ang suporta ng mga OFWs na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito ang lumabas sa resulta ng Kalye Survey para sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat matapos makuha ni Marcos ang 92.13 porsyento at magtala ng napakala­yong agwat sa pumapa­ngalawang si Vice Pres. Leni Robredo na may 2.57 porsyento lamang.

Nakadikit kay VP Leni si Manila Mayor Isko Moreno na may 2.54 porsyento; Sen.Manny Pacquiao, .62 porsyento at Sen. Ping Lacson, 15 porsyento. Ang undecided ay 1.98 porsyento.

Ang mga datos na ito ay mula mismo sa Pulso ng Pilipino ‘worldwide summary’ na inilathala sa social media ng SPLAT Communications nitong Pebrero 17.

Sa 92.13 percent puntos ni Marcos, ang nakuha nitong boto ay 2,974 mula sa kabuuang 3,228 respondents, si Leni ay may 83 boto; si Isko ay 82; si Pacquiao, 20 boto at si Lacson ay limang boto.

Nilikom ang tala mula sa walong bansa mula sa Asya at Gitnang Sila­ngan. Isinagawa ang survey noong Oktubre 2021 hanggang Enero 31, 2022 sa mga OFWs sa Hong Kong, Taiwan, Japan, Macau, Kuwait, Bahrain, Abu Dhabi, at Saudi Arabia.

FERDINAND ‘BONGBONG’ MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with