^

Bansa

Balik-Senado ni Chiz inendorso ng grupo ng magsasaka

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Balik-Senado ni Chiz inendorso ng grupo ng magsasaka
Sorsogon Gov. Francis "Chiz" Escudero joins Vice President Leni Robredo at a campaign stop in the province.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng pagsuporta ang may 200,000 miyembro ng Federation of Free Farmers (FFF) para kay Sorsogon Gov. Chiz Escudero na kumakandidato sa Halalan 2022 para sa bagong anim na taong termino sa Senado.

Ayon sa FFF, isang malaking organisasyon na binubuo ng mga magsasaka, mangingisda, at pati ng mga kasama (tenants) at manggagawang bukid sa bansa, karapat-dapat na ibalik sa Senado si Escudero dahil sa kanyang adbokasiya na maisulong ang mga interes ng sektor ng agrikultura.

Inanunsiyo noong Martes ni FFF board chairman Leonardo Montemayor, na agriculture secretary sa ilalim ng administrasyong Arroyo, ang pag-endorso kay Escudero ng FFF.

Ayon kay Montemayor, ibinase nila ang kanilang desisyon sa mga di-matatawarang nagawa ni Escudero pagdating sa serbisyo-publiko at sa masasandigang pagsuporta nito sa sektor ng agrikultura, tulad ng pagtindig nito sa ilang mainit na usapin sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) free trade agreement.

Matatandaan na pinaalalahanan ni Escudero, na isang beteranong mambabatas, ang kanyang mga dating kasamahan sa Senado na pag-aralan munang mabuti ang mga nilalaman ng RCEP bago ito desisyunan sa plenaryo ng mataas na kapulungan.

Nanawagan siya sa mga senador na kanilang tingnan ang anumang maaaring pangmatagalang epekto ng RCEP sa agrikultura, lalo na sa mga magsasaka at mangingisda na silang pinakamahirap sa Pilipinas.

FFF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with