‘PESO’ Law palalawigin ni Legarda sa pagbabalik-Senado
MANILA, Philippines — Palalawakin ni Deputy Speaker at Uniteam senatorial bet Loren Legarda ang saklaw at budget ng Public Employment Service Office (PESO) upang mas maraming Pinoy ang mabigyan ng trabaho at pagkakataong mag-negosyo sa gitna ng pandemya.
Dahil sa mataas na bilang ng mga walang trabaho sanhi ng COVID-19, sinabi ni Legarda na napapanahong amyendahan ang naturang batas upang bigyang kapangyarihan ang mga pamahalaang lokal pati barangay na makapagbigay ng hanapbuhay sa kanilang mga nasasakupan.
Nais niyang isama rin ang pagne-negosyo o entrepreneurship sa magiging sakop ng ahensiyang tatawaging Public Employment and Entrepreneurship Service Office (PEESO). Ang mga tanggapan naman sa barangay ay nais niyang makilala bilang Barangay Employment and Entrepreneurship Service Office (BEESO).
Aniya, maraming batas ang bansa na may magagandang layunin na magbigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino ngunit hindi naman naipatutupad dahil sa kawalan ng pondo.
Dahil dito, sinabi ni Legarda na kanyang tinitiyak na bawat batas na kanyang naipasa at ipapasa sa hinaharap ay mayroong sapat na pondo. Ganito aniya ang ginawa niiya bilang principal author ng Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises noong 2007.
- Latest