^

Bansa

Comelec division ibinasura petisyong ikansela COC ni Tulfo sa pagkasenador

Philstar.com
Comelec division ibinasura petisyong ikansela COC ni Tulfo sa pagkasenador
In this Oct. 2, 2021 photo, broadcaster Raffy Tulfo signs Comelec's Integrity Pledge.
The STAR/Ernie Peñaredondo, File

MANILA, Philippines — Dinismiss ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang petisyong ikansela ang certificate of candidacy (COC) ng broadcaster at 2022 senatorial na si Raffy Tulfo.

Ito ang ibinahagi ni acting Comelec chair Socorro Inting, Miyerkules, pagdating sa petisyong inihain laban kay Tulfo — na siyang numero uno sa pinakabagong electoral survey na inilabas ng Pulse Asia.

Ika-25 ng Oktubre nang maghain ng petition to cancel COC si Julieta Pearson laban kay Tulfo upang mapigilan ang pagtakbo ng huli sa pagkasenador sa 2022.

Iginigiit ni Pearson na siya ang ligal na asawa ng broadcaster kahit na tinukoy ni Tulfo bilang kanyang asawa si Jocelyn Tulfo sa kanyang COC.

Pero ayon kay Inting, "walang misrepresentation" nang tawagin ni Raffy si Jocelyn bilang misis. Bukod pa riyan, hindi raw isyu kung sino ang asawa ng isang tao para payagan o mapigilang kumandidato.

Una nang sinabi ni Comelec spokespersson James Jimenez na tanging "material misrepresentation" ang dahilan para makansela ang COC ng isang nagnanais tumakbo sa eleksyon. Alinsunod 'yan sa Article IX, Section 78 ng Omnibus Election Code:

A verified petition seeking to deny due course or to cancel a certificate of candidacy may be filed by the person exclusively on the ground that any material representation contained therein as required under Section 74 hereof is false. The petition may be filed at any time not later than twenty-five days from the time of the filing of the certificate of candidacy and shall be decided, after due notice and hearing, not later than fifteen days before the election.

Humihingi pa naman ang media ng aktwal na kopya ng resolusyon ng Comelec pagdating nasabing kaso. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

2022 NATIONAL ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

RAFFY TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with