^

Bansa

Karera ni Panelo sa Senado, umarangkada na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Karera ni Panelo sa Senado, umarangkada na
“Ipiniprisinta ko ang aking sarili sa taong bayan bilang kandidato sa Senado dahil sa paniniwala na makakatulong akong tugunan ang mga panga­ngailangan ng samba­yanan,” ani Chief Presidential Legal Counsel Salvador “Sal” Panelo.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Pormal nang umarangkada ang kampanya ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador “Sal” Panelo sa pagka-senador, matapos maghayag ng buong suporta si VP candidate Sara Duterte sa dating cabinet member sa campaign kickoff ng UniTeam sa Philippine Arena noong February 8.

“Ipiniprisinta ko ang aking sarili sa taong bayan bilang kandidato sa Senado dahil sa paniniwala na makakatulong akong tugunan ang mga panga­ngailangan ng samba­yanan,” ani Panelo.

“Sa tulong niyo, magi­ging karangalan ng buhay kong ituloy sa Senado ang serbisyong may tapang at malasakit na sinimulan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ng dating Chief Presidential Legal Counsel.

Isa sa mga platapormang inihain ni Panelo sa simula ng kampanya ang pagpapalawig ng mga batas para sa libreng edukasyon, legal at medical services.

Malapit din aniya sa kaniyang puso ang kapa­kanan ng mga batang may kapansanan, o children with special needs. Si Panelo ay ama ng isang ‘special child’ at batid aniya ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga magulang gaya niya, lalo na pagdating sa mga therapy at special education ng mga ganitong anak.

May mga panukalang programa rin ang tinaguriang legal luminary para sa ikagiginhawa ng mga ina, public transportation drivers, guro, LGBTQI+, PWDs, at iba pang sektor na nangangailangan ng kalinga ng gobyerno.

Si Panelo ay isang be­teranong abogado, at bukod sa pagiging dating Chief Legal Counsel ay naging spokesperson din siya ni Pangulong Duterte. Siya ay tumatakbo bilang Senador sa darating na 2022 Presidential election sa ilalim ng ruling party na PDP-Laban.

vuukle comment

ARENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with