Explainer: Vote-buying, election offenses paano at saan pwede ireklamo?
MANILA, Philippines — Tuwing panahon ng halalan, talamak ang mga akusasyon ng pagbili ng boto at paglabag sa mga election laws — pero saan at paano ba talaga maghahain ng pormal na kaso sa Commission on Elections (Comelec) pagdating diyan?
Ang isyung 'yan ay inilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez, Martes, kasabay ng pagsisimula ng opisyal na campaign period para sa eleksyong 2022.
"We're able to accept incident reports or reports of allegations of wrongdoing at [email protected]. That's the email address that we're asking everyone to use in order to report incidences of election violations," wika ni Jimenez sa isang press briefing kasama ang media.
"On Twitter, we are asking everyone to use the hashtag #sumbongko. This will allow us to identify among the mass of tweets potential violations of election laws."
Una nang sinabi ng Comelec official na hindi porke nag-post sa social media ng campaign paraphernalia na may naka-staple na pera ay "formal complaint" na ito.
Para sa mga aktwal na maghahain ng kaso, inirerekomenda ring i-pursue ito hanggang sa magkaroon ng resolusyon.
If you see vote buying here’s what you do: 1) document the vote buying activity - but do it safely. 2) file a complaint - posting pictures of campaign paraphernalia stapled to money is NOT the same as formally filing a complaint. 3) pursue the case to the end. #votesafepilipinas
— James Jimenez (@jabjimenez) February 8, 2022
Nakasaad ngayon sa protocol ng poll body na ihain ang lahat ng mga nasabing reports sa mga otoridad na pinakamalapit sa pinangyarihan ng paglabag.
"Kunwari you're seeing a potential violation happening, let's say, in the City of Manila, then this complaint will be referred to the election officer of Manila... because they are the closest Comelec officials there and they are in the best position to take action," dagdag pa ni Jimenez.
Gamit ang #sumbongko, pwede ipadala ng electoral complains sa @COMELEC o @radyocomelec Twitter accounts.
Mga ipinagbabawal ngayon
Sa Article XXII, Section 261 ng Omnibus Election Code, ituturing na election offense ang mga sumusunod:
- vote-buying at vote-selling
- conspiracy to bribe voters
- pustahan sa resulta ng eleksyon
- pamemwersa ng subordinates
- pagbabanta, terorismo o paggamit ng anupang gamit para mamilit/magpasunod
- mamilit/magpasunod ng mga election officials at empleyado
- unlawful electioneering
- prohibition against dismissal of employees, laborers, or tenants
- paggamit ng mga espesyal na pulis, special agents, confidential agents, atbp.
- iligal na pagpapalabas ng preso bago at matapos ang eleksyon
- paggamit ng pondo ng gobyerno, pasilidad na kontrolado ng gobyerno, atbp. sa election campaign
- deadly weapons 100 metro mula sa polling place sa mga araw at oras na itinakda ng batas para sa pagpaparehistro ng botante, maliban kung peace officer ito na otorisado ng Comelec para sa mga magugulong lugar
- pagdadala ng baril sa labas ng bahay, lugar ng negosyo
- paggamit ng armored land, water o air craft
- "wearing of uniforms and bearing arms"
- pulis/provincial guards na nagiging bodyguard o security guard
- pag-oorganisa ng reaction forces, strike forces
- atbp.
Ano ang mga parusa riyan?
Any person found guilty of any election offense under this Code shall be punished with imprisonment of not less than one year but not more than six years and shall not be subject to probation. In addition, the guilty party shall be sentenced to suffer disqualification to hold public office and deprivation of the right of suffrage.
Kung isa siyang banyaga, agad siyang ipapa-deport sa kanilang bansa matapos niyang ma-serve ang kanyang prison term. Hindi bababa sa P10,000 ang multa naman ang ipapataw sa mga political party na lalabag.
Bago ang official campaign period, hindi pa pwedeng magsampa ng election related cases dahil "hindi pa" itinuturing na opisyal na kandidato ang mga tumatakbo.
Ano ba talaga ang vote-buying, selling?
Ayon sa Article XXII, Section 261 (a)(1)(2) ng Omnibus Election Code, tumutukoy ang vote-buying at vote selling sa:
- mangangako, mag-aalok ng pera o anumang "of value," magbibigay o mangangako ng posisyon/trabaho, paggastos para sa iba (directly o hindi man) para iboto ang isang kandidato o hindi bumoto, o para hindi bumoto para sa kaninumang kandidato
- tao, asosasyon, grupo, atbp. na hihingi o tatanggap ng pera o pangako ng trabaho para sa parehong kadahilanan
Una nang sinabi ni Jimenez na pwedeng ituring na vote-buying ang pagpapa-raffle at pamimigay ng kung anu-anong ayuda ng mga kandidato tuwing election period. Ilan sa mga tumatakbo sa 2022 elections ay ginawa ito bago ang pormal na campaign period upang makalusot.
Inilinaw naman niyang hindi agad maituturing na vote-buying o vote-selling ang ginagawa ng isang tao kung mga mumurahing bagay gaya ng pagkain, face mask, alcohol, atbp. lang ang ibinibigay ng isang kandidato, kanyang team o volunteers.
"Traditionally, things of nominal value, very small value, for example: ballpens, notepads, stickers which you could use for your cars, etc. these are normally not considered indicators of vote-buying," paliwanag pa ni Jimenez.
Disyembre 2021 lang nang mag-viral ang video ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis Chavit Singson matapos literal na magpaulan ng pera gamit ang "money gun."
- Latest