Robredo sa mga botante: Escudero ibalik sa Senado
MANILA, Philippines — Inendorso ni Vice Pres. Leni Robredo noong Miyerkules ang mga botanteng Pinoy na ibalik sa Senado si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na kung ninais nila ng isang mambabatas na may karanasan at magandang track record bilang isang lingkod-bayan.
Kanya ring inilarawan si Escudero, na isang guest senatorial candidate sa Angat Buhay senatorial ticket, bilang isang tunay na pinuno na isinasantabi ang politika at handang makipagtrabaho sa kaninuman upang maisulong unang-una ang kagalingan ng bansa at mga Pilipino.
Ibinahagi pa ni Robredo na nang manalo siyang Bise Presidente noong 2016, lumapit at nag-alok sa kanya ng tulong ang beteranong senador, na kanya mismong nakatunggali sa nasabing halalan, sa kung papaano epektibong magagawa ng Office of the President (OVP) ang mga tungkulin nito sa kabila ng limitadong pondo.
Pinapurihan din ni Robredo si Escudero dahil sa magandang transpormasyon ng Sorsogon kahit may pandemya na nagawa ng dating senador sa loob ng wala pang tatlong taon dahil 2019 lamang ito naging punong ehekutibo ng probinsiya.
- Latest