Booster bilang requirement sa NCR, ‘di pa uubra – expert
MANILA, Philippines — Kinontra ng isang health adviser ng pamahalaan ang panukalang paggamit sa “booster card” bilang requirement para makapasok sa mga establisimyento sa Metro Manila.
Sinabi ni Dr. Edsel Salvana of the Department of Health-Technical Advisory Group, na hindi pa napapanahon ang panukala dahil marami pang hindi nabibigyan ng booster shot.
“So I think na mahirap gawin iyon kasi masyadong maraming tao ang hindi pa natin nabu-boost and of course we want to make sure the focus remains on the people na hindi pa nababakunahan,” ani Salvaña.
Ipinunto rin ni Salvaña na kapag naging endemic na ang COVID-19 katulad ng ginawa sa Denmark ay hindi na kailangang magprisinta ng mga vaccination cards at hindi na rin gagawing requirement ang pagsusuot ng face mask.
Pero naniniwala si Salvaña na malayo pa sa ngayon ang pagluluwag ng health protocols.
Hindi pa rin anya dapat maliitin ang banta ng COVID-19 habang patuloy ang pagbaba ng mga numero nito. Iginiit niya na kapag nahawa, maaari pa rin itong makamatay.— Malou Escudero
- Latest