^

Bansa

'Conflict of schedule': Marcos a-absent sa KBP presidential forum sa ika-4 ng Pebrero

James Relativo - Philstar.com
'Conflict of schedule': Marcos a-absent sa KBP presidential forum sa ika-4 ng Pebrero
Litrato ni 2022 presidential candidate at dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
Mula sa Facebook page ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines (Updated 3:18 p.m.) — Hindi dadalo sa "Panata sa Bayan: The Presidential Candidates Forum" ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na ikakasa sa Biyernes, ika-4 ng Pebrero.

Ito ang kinumpirma ni KBP president Herman Basbaño sa panayam ng TeleRadyo, Huwebes — isang araw bago ganapin ang programang maglilinaw lalo sa mga isyu ng kandidato at kanilang mga plataporma kung mananalo sa eleksyong 2022.

"Nagpadala tayo ng imbitasyon sa anim na kandidato... Lima ang nagtanggap ng ating imbitasyon," wika ni Basbaño nang tanungin kung bakit hindi dadalo ang anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

"Ang hindi nagtanggap ng ating imbitasyon ay si former Sen. Bongbong Marcos... May letter naman sila declining the invitation. I think it was because of some conflict sa schedules nila."

Ang lima sa anim na tumanggap imbitasyon ng KBP ay sina:

  • Ka Leody de Guzman
  • Sen. Panfilo "Ping" Lacson
  • Sen. Manny Pacquiao
  • Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso
  • Bise Presidente Leni Robredo

"We respect the decision of whoever, kung anuman, tungkol sa invitation. That is true also for former Sen. Bongbong Marcos. kung hindi niya tinanggap, respetuhin din natin 'yan," patuloy ni Basbaño.

"But tuloy ang forum natin with the five other candidates."

Hindi naman daw pabor ang KBP na magpadala na lang ng kopya ng mga tanong kay Marcos para sagutin na lang ang mga ito sa oras na "convenient" sa kanya. Aniya, hindi raw ito patas sa limang kandidatong sasagot nang live sa harap ng mamamayan.

Virtual at hindi magkakasama ang mga kandidato sa mismong event, na siyang imo-moderate nina Karen Davila ng ABS-CBN at Rico Hizon ng CNN Philippines.

Ilan sa mga magiging panelists ng naturang programa ay sina Ed Lingao (News5), Roby Alampay (ONE News), Elmar Acol (Bombo Radyo) at Dan Andrew Cura (Far East Broadcasting Company).

Mapapanuod ang naturang palabas sa A2Z, website ng ABS-CBN, ANC, TeleRadyo, iWantTFC, ONE News, ONE PH, Cignal Play atbp. sa Biyernes, 9 a.m.

Enero 2022 lang nang i-skip ni Bongbong, na may nakabinbin pang disqualification case sa Commission on Elections (Comelec), ang presidential interview ng GMA-7 na siyang isinagawa ni Jessica Soho.

Sa kabila nito, may oras si BBM na sumabak sa interviews ng DZRH at ng talk show host na si Boy Abunda.

'Gusto sana, kaso hindi kaya'

Sa isang statement na ipinadala ni Vic Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni Marcos, sinabing gusto sana nilang makapunta talaga sa event ng KBP. Aniya, sadyang hindi lang talaga kinaya ng kanyang mga nakapilang engagements sa ngayon.

"We extend our gratitude to the [KBP] for inviting presidential aspirant Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. to join its forum," ani Rodriguez kanina.

"Although we have been looking forward for BBM's participation in this event, his current schedules prevent us from accomodating your request."

"We look forward to engaging with similar KBP initiatives in the future."

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

KAPISANAN NG MGA BRODKASTER NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with