Pamumuhunan ng OFWs sa Pinas, gagaan sa ilalim ng ‘Online Tin’
MANILA, Philippines — Inaasahang gagaan na ang pamumuhunan kaugnay ng ipinatutupad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ‘fully –online application sa hanay ng mga overseas Filipino workers para makakuha ng Tax Identification Number (TIN).
Ayon kay House Committee on Ways and Means at 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, ito’y magbibigay ng pagkakataon sa mga OFWs na mamuhuan sa Pilipinas kahit na abala pa ang mga ito sa pagtatrabaho sa ibayong dagat.
Kasabay nito, ipinanukala ni Salceda sa BIR na magbibigay ng magagandang pagkakataon sa mga OFW ang ‘fully-online TIN application’ na mamuhunan sa mga tiyak at ligtas na negosyo sa bansa.
Binanggit din ni Salceda ang mga OFWs ang pinagmumulan ng malaking perang pumapasok sa bansa na sa kaniyang pagtantiya ay umaabot sa $2 bilyon kada isang taon na mas higit na malaki kaysa sa mga “Foreign Direct Investments (FDI).
Ang ‘Fully-Online TIN application’ ayon kay Salceda ay isang magandang pagkakataon din para sa mga OFWs na nais mamuhuan sa Philippine stocks bilang paghahanda na tuluyan silang makauwi para masinop ang kanilang kabuhayan at pamilya para maiwasang mabiktima ng mga scammers.
Nauna rito, hinimok ni Salceda sa isang liham si BIR Commissioner Caesar Dulay na hayaang mag-apply ng TIN ang mga OFWs na hindi na kailangan personal na pumunta sa BIR dahil nasa ibang bansa ang mga ito.
- Latest