^

Bansa

Dating ABS-CBN frequencies inilipat ng NTC sa mga Villar; Grupo nabahala

James Relativo - Philstar.com
Dating ABS-CBN frequencies inilipat ng NTC sa mga Villar; Grupo nabahala
This view shows the ABS-CBN network headquarters in Quezon City in the Metro Manila area on May 5, 2020. The Philippines' top broadcaster ABS-CBN on May 5 was ordered off the air over a stalled operating licence renewal, drawing fresh charges that authorities were cracking down on press freedom.
AFP/Maria Tan, File

MANILA, Philippines — Ginawaran ng "provisional authority" ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Sen. Manny Villar para sa pagpapatakbo ng dalawang television channels — bagay na pinatatakbo noon ng ABS-CBN.

Matatandaang ika-5 ng Mayo 2020 nang ipatigil ng NTC ang operasyon ng ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa ng huli. Sinubukan pang i-renew ng ilang mambabatas sa kamara ang naturang legislative franchise ngunit hindi rin ito gumulong noong taong 'yon.

"In an Order promulgated 05 January 2022, the NTC granted... (AMBS) a Provisional Authority to install, operate and maintain a Digital Television (TV) Broadcasting System in Metro Manila/Mega Manila using Channel 16," ayon sa isang pahayag ng komisyon, Martes.

"After the technical evaluation of AMBS' request for a simulcast channel, Channel 2 (the paired analog channel in Mega Manila of digital channel 16) was temporarily assigned to AMBS."

Dagdag pa ng NTC, Oktubre 2006 pa lang ay nag-apply na ang AMBS para mag-install, operate at mintena ng digital TV sa Metro Manila, dahilan para maging una rito.

Kasalukuyang ipinapalabas ang mga ABS-CBN shows bilang blocktimer sa free TV sa pamamagitan ng A2Z at TV5. Ang ilan nilang palabas ay nasa himpapawid gamit ang cable at satellite.

May kinalaman sa 2022?

Nagdududa ngayon ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa pagbibigay ng mga naturang frequency sa AMBS, lalo na't nangyayari ito ilang buwan bago ang May 2022 national elections.

"Nakakabahala ang tila biglaang pag-assign ng NTC sa radio frequency ng ABS-CBN sa kumpanya ng alyado ng Pangulo [Rodrigo Duterte] na si Manny Villar. Ang tila last 2 minutes na awarding, magaganap apat na buwan bago ang eleksyon, ay nakakapagduda," wika ni Renato Reyes, secretary general ng BAYAN.

"Parang nabigyan ng napakalaking bentahe ng mga Villar, na alyado ng Pangulo at may mga kandidato sa pagka senador at kongresista, na magkaroon ng media network. Parang hulog ng langit ito para sa sinumang pulitiko."

Tatakbo sa 2022 elections sa pagkasenador si dating Public Works Secretary Mark Villar. Si Mark ay anak ni Manny. Ang ina ni Mark na si Cynthia ay isang senadora.

Dagdag pa ni Reyes, hindi pa tapos ang dinggin sa Konggreso ang paggagawad ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN pero in-award na ito sa AMBS. Sari-saring House Bills pa rin ang nakabinbin sa 18th Congress pagdating dito.

"Parang nabigyan ng napakalaking bentahe ng mga Villar, na alyado ng Pangulo at may mga kandidato sa pagka senador at kongresista, na magkaroon ng media network. Parang hulog ng langit ito para sa sinumang pulitiko," dagdag pa ng lider ng BAYAN.

"Napakalinaw talaga na ito ay kaso ng burukrata kapitalismo, o ang paggamit ng poder sa pulitika, para maisulong ang negosyo. Iimbestigahan ba ito ng Senado gayong may Villar na Senador?"

Sinasabing nasa 11,000 empleyado ng ABS-CBN ang nawalan ng trabaho dahil sa pagkakatanggal nito sa himpapawid sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Dati nang napuna ng ilang netizens na hirap ngayon ang ilang probinsya sa pagsagap ng napapanahong impormasyon tuwing may kalamidad lalo na't ABS-CBN lang ang nakakaabot sa kani-kanilang lugar.

2022 NATIONAL ELECTIONS

ABS-CBN

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

MANNY VILLAR

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with