^

Bansa

Tulong sa SMEs hiling palawigin pa

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tulong sa SMEs hiling palawigin pa
Sinabi ni dating Davao Del Norte Governor at kasalukuyang chairman Emeritus ng multi sectoral group na Angat Pinoy party-list na dapat na tulungan mula sa pambansang pondo ang SMEs lalo na ang ‘mom-and-pop’ sari-sari at convenience stores para maibalik ang ekonomiya sa pre-pandemic level.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kailangan na palawigin pa ang tulong sa mga  small-and-medium enterprises (SMEs) sa bansa partikular na ang mga lubhang naapektuhan ng global pandemic.

Sinabi ni dating Davao Del Norte Governor at kasalukuyang chairman Emeritus ng multi sectoral group na Angat Pinoy party-list na dapat na tulungan mula sa pambansang pondo ang SMEs lalo na ang ‘mom-and-pop’ sari-sari at convenience stores para maibalik ang ekonomiya sa pre-pandemic level.

Naniniwala rin siya na ang unang bansa na magi­ging matagumpay na maibangon ang ekonomiya ay siyang mangunguna sa rehiyon sa hinaharap.

Kaya kung mabagal ang recovery natin ay mahuhuli tayo sa pag-unlad muli at ang tanging paraan lang para makarecover ay tulungan ng gobyerno ang business sector partikular na ang SMEs para makabangon.

Ang pangunahing adbokasiya ng Angat Pinoy ay magbigay tulong sa SMEs sa pamamagitan ng pagbibigay ng “link” para makuha nila ang available national government funds partikular na ang mga nakalaan para sa sektor.

Mula Enero 17 ay inilunsad nito ang Angat Pinoy Tulong Negosyo Program na magbibigay ng P10,000 para sa mga kwalipikadong SMEs.

SME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with