^

Bansa

Pagpatay sa mag-asawang Anakpawis members pinaiimbestigahan sa CHR

James Relativo - Philstar.com
Pagpatay sa mag-asawang Anakpawis members pinaiimbestigahan sa CHR
Litrato nina Silvestre Fortades Jr. at Rose Marie Galias
Released/SAMASOR

MANILA, Philippines — Humihingi ng tulong sa Commission on Human Rights (CHR) ang isang grupo upang makapaglunsad ng probe sa pagkakapaslang ng dalawang miyembro ng isang militanteng grupo sa rehiyon ng Bikol.

Ika-15 kasi ng Enero nang pagbabarilin sa Brgy. San Vicente, Barcelona, Sorsogon ang mag-asawang senior citizen na sina Silvestre Fortades Jr. (70) at Rose Maria Galias (68) ng diumano'y dalawang assailants sa tapat ng sari-sari store.

"We seek justice for the extrajudicial killing of Fortades and Galias. The killing of Anakpawis members and affiliates must stop," wika ni Anakpawis chairperson Rafael Mariano, Lunes.

"We urge an impartial investigation of this latest brutality against farmers, especially for it occurring under a nationwide election gun ban and amid continued red-tagging against KMP and Anakpawis. This incident puts to question the fairness and peacefulness of the coming election."

Sinasabing nagbebenta ng bawang, sibuyas at iba pang agrikultural produce ang magkarelasyon nang bigla na lang silang paputukan ng dalawang pares ng hindi pa nakikilalang motorcycle riders.

Sina Fortades at Galias ay parehong miyembro rin ng Samahan ng mga Magsasaka sa Sorsogon (SAMASOR), ang provincial chapter ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

Narekober ng pulisya sa crime scene ang 13 basyo ng bala ng kalibre 45.

Nananawagan rin ngayon si Mariano, na siyang chairperson emeritus din ng KMP, kay Sorsogon Gov. Chiz Escudero na magsagawa ng sariling probe sa pamamaslang at tulungan ang kanilang mga naulila na makamit ang katarungan.

"We condemn the continuing vilification and harassment promoted by state agents such as the NTF ELCAC. State-funded black propaganda against lawful and duly-registered partylists run counter to a fair electoral process. It must not be tolerated and be stopped," sabi pa ng dating kalihim ng Department of Agriarian Reform.

Dagdag pa niya, nagkaroon na rin ng "targeted attacks" laban sa Anakpawis noong 2019 elections, kasama na ang black propaganda, pati na rin ang pag-aresto kay Anakpawis-Bohol coordinator Alvin Fortaliza.

ANAKPAWIS PARTY-LIST

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

EXTRAJUDICIAL KILLING

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

SORSOGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with