^

Bansa

78 pasahero nagpositibo na sa COVID-19 antigen tests sa LRT, MRT at PNR

James Relativo - Philstar.com
78 pasahero nagpositibo na sa COVID-19 antigen tests sa LRT, MRT at PNR
Makikitang sumasailalim sa boluntaryo at libreng randomized COVID-19 antigen testing ang pasaherong ito ng MRT-3, ika-11 ng Enero, 2022
Released/DOTr MRT-3

MANILA, Philippines — Aabot na sa halos 80 katao ang mga pasaherong nagpositibo sa libreng random COVID-19 antigen testing sa tatlong mayor na linya ng tren sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ang ibinahagi ni Transport Undersecretary for Railways TJ Batan sa isang briefing tungkol sa full implementation ng "no vaccination, no ride" policy sa pampublikong transportasyon, na magsisimula sa ika-17 ng Enero. 

"Ayon naman po sa ating isinasagawa at ongoing na random antigen testing of passengers, so far po, matapos ang tatlong araw ng implementasyon, tayo ay nakapag-test na po ng 631 na tao," banggit ni Batan, Biyernes.

Narito ang resulta ng randomized antigen testing na ibinigay sa LRT-2, MRT-3 at Philippine National Railways (PNR) simula nang ipatupad ito noong ika-11 ng Enero:

  • positibo (78)
  • negatibo (553)
  • total tests (631)
  • positivity rate (12%)

 

 

Wala pa namang datos pagdating sa antigen testing sa LRT-1. Ang operation at maintenance nito ay nasa kamay ng pribadong sektor sa ilalim ng Light Rail Manila Corporation.

Una nang sinabi ng pamunuan ng DOTr-MRT-3 na bibigyan nila ng libreng sakay ang mga magnenegatibo sa COVID-19 antigen testing bilang insentibo sa pagpapasuri sa nakamamatay na sakit.

Hindi naman pasasakayin ng tren ang mga pasaherong magpopositibo, bagkos ay pauuwiin para sumailalim sa confirmatory RT-PCR test, bagay na dapat nilang gawin sa pakikipagtulungan ng kani-kanilang local government units.

Aabot sa 300,786 katao ang average daily ridership sa LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR, ngayong Enero 2022, bagay na mas mababa nang 26% kumpara sa mga sumasakay dito araw-araw noong Disyembre 2021.

COVID-19 testing ng mga empleyado

Pagdating naman sa  nagtratrabaho sa riles, aabot na sa 671 ang nagpopositibo sa pamamagitan ng confirmatory RT-PCR test, na nananatiling "gold standard" sa accuracy pagdating sa pag-diagnose ng COVID-19.

Ito'y matapos sumailalim ang kabuuang 953 katao sa naturang pagsusuri, habang nagnegatibo naman dito ang nasa 125. Nag-aantay pa naman ng resulta ang nasa 151 pa.

Mas marami naman ang tinest gamit ang antigen (4,201) ngunit karamihan sa kanila ay nagnegatibo (3,283).

Ang lahat ng ito parte ng "mass testing" ng kanilang personnel mula ika-3 hanggang ika-13 ng Enero.

"Gumawa po tayo ng testing ng noong nakaraan. Dalawang araw po 'yung ating testing using RT-PCR po, mga 26% po ang ating nakitang mga positive," ayon naman kay Transport Undersecretary for Administrative Service at Inter-Agency Task Force (IATF) Representative Artemio Tuazon, Jr.

"'Yung mga close contact, tinest na po natin nitong Lunes. At lumabas na rin po 'yung resulta natin dito, ay nadagdagan pa po ng 44 na po ang nag-positive "

Aabot na sa 3.09 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa ngayon sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health nitong Huwebes. Sa bilang na 'yan, patay na ang 52,736. 

ANTIGEN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

LRT-2

MRT-3

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with