Pantay na karapatan ng kababaihan inilatag ng Angat Pinoy partylist
MANILA, Philippines — Inilatag ng Angat Pinoy partylist ang kanilang mga plataporma para sa multi-sectoral groups kabilang na dito ang pagpo-protekta sa pantay na karapatan at kapakanan ng mga kababaihan.
Bukod dito, tututok din ang Angat Pinoy partylist sa iba pang grupo tulad ng senior citizens, OFWs at small and medium enterprises.
Nangako rin ang grupo na magbibigay ng tulong sa lahat ng pamilyang Filipino, women groups at sa mass society, pag-promote ng pag-ibig para sa bansa, pangangalaga sa kapaligiran at pagprotekta sa karapatan ng bawat mamamayan.
Sina Karina Anna “Aina Chiu-Del Rosario, isang rehistradong nurse at dating pangulo ng Davao Del Norte Council of Women, kasama si Melissa Ann “Missy” Hilario, na isang three termer councilor ng Sto. Domingo, Albay at dating regional at provincial president ng National Movement of Young Legistrators ang nominado ng partido.
“Bilang isang babae at ina, naniniwala ako sa tamang proteksiyon at karapatan ng lahat ng kababaihan sa ating lipunan. Katulad ko, mahal din nila ang Pilipinas at handang tumulong sa ikauunlad ng bansa.”, ayon kay Del Rosario na maybahay ni dating Davao del Norte governor Anthony del Rosario.
- Latest