208,164 aktibong kaso ng COVID-19 record-high sa kasaysayan ng Pilipinas
MANILA, Philippines — Ngayong araw naabot ang pinakamaraming bilang ng Philippine COVID-19 cases na patuloy pa ring nagpapagaling laban sa nakamamatay na sakit.
Ayon sa Department of Health (DOH), Miyerkules, aabot na sa 208,164 COVID-19 cases ang hindi pa gumagaling o binabawian ng buhay. Ito ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.
- total cases (3,058,634)
- bagong kaso (32,246)
- total deaths (52,654)
- kamamatay lang (144)
- aktibong kaso (208,164)
"Samantala ay mayroon namang naitalang 5,063 na gumaling," banggit ng kagawaran, dahilan para sumipa na sa 2,797,816 ang kabuuang bilang ng recoveries.
Narito matatagpuan ang karamihan sa 32,246 bagong kaso ngayong araw:
- National Capital Region (17,902)
- CALABARZON (6,838)
- Central Luzon (3,268)
Sa 144 naitalang bagong patay, 20 ang nangyari nitong Enero habang ang nalalabi ay panay backlog mula pa noong taong 2021.
Sa kabila ng nagtataasang bilang ng bago at aktibong kaso, 11 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang mga datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Nasa 85 duplicates naman ang tinanggal mula sa total case count. Sa bilang na ito, 68 ang recovery talaga habang isa ang namatay na.
Samantala, nasa 125 kasong unang iniulat na gumaling ang ni-reclassify bilang deaths matapos ang pinal na validation. — James Relativo
- Latest