^

Bansa

'No bakuna, no sakay' policy ipatutupad ng DOTr sa NCR hanggat Alert Level 3 pataas

James Relativo - Philstar.com
'No bakuna, no sakay' policy ipatutupad ng DOTr sa NCR hanggat Alert Level 3 pataas
Commuters are seen wearing face shields while riding the LRT 2 in Quezon City on November 3. The pandemic task force is eyeing to scrap the mandatory policy amid the downtrend in COVID-19 cases in the country.
The STAR / Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Matapos ipatupad ang kontrobersyal na "no bakuna, no labas" policy ng gobyerno sa Metro Manila atbp. lugar, palalawakin pa ng Department of Transportation (DOTr) ang movement restrictions sa mga taong hindi unvaccinated laban sa kinatatakutang COVID-19.

Ika-11 ng Enero nang ipag-utos ni Transport Secretary Arthur Tugade sa no vaccination, no ride/no entry sa National Capital Region dahil sa biglaang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

"All concerned attached agencies and sectoral offices of DOTr are directed to ensure that operators of public transportation shall allow access or issue tickets only to ‘fully vaccinated persons’ as evidenced by a physical or digital copies of an LGU (local government unit)-issued vaccine card, or any IATF-prescribed document, with a valid government issued ID with picture and address," ayon sa department order na inilabas.

 

 

Kikilalanin lang na fully-vaccinated ang isang tao matapos ang dalawang linggo matapos makakumpleto ng "primary series" ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Tugade, mananatiling epektibo ang kautusan habang nasa Alert Level 3 o mas mataas pa ang Metro Manila, bagay na dedesisyunan ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).

Ika-6 lang ng Enero nang iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga unvaccinated laban sa COVID-19 na lalabas ng bahay, bagay na walang basehan ayon sa ilang legal experts.

Una nang sinabi ng Commission on Human Rights na unconstitutional ang utos ni Digong, habang walang batas na nagdedeklarang krimen ang pagiging hindi bakunado.

Kasalukuyang nagpapatupad "no vaccine, no labas" sa sari-saring NCR local government units habang nananatili ang rehiyon sa Alert Level 3. Gayunpaman, hindi nito sakop ang mga kailangang lumabas ng bahay para sa pagkain, gamot, trabaho at medical/dental reasons.

'Ihiwalay lang kaysa bawalan'

Binanatan naman ng isang kumakandidato sa pagkabise presidente ang polisiyang ito ng DOTr, habang tinatawag itong "katangahan" at "draconian" (napaka-harsh).

"Yes, [vaccine] certificates should be checked, but segregation, not repression is the answer, as in the case of restaurants. Unvaccinated people should be able to ride buses and public transportation specifically designated for them, just as in restaurants," ani Partido Lakas ng Masa vice presidential bet Walden Bello kanina.

"There is already a negative incentive here, since [unvaccinated] people have to wait longer for special buses, but it is not draconian and repressive."

Dagdag pa niya, mas magandang magbigay na lang ng financial incentives gaya ng "P1,000 award" para sa mga makakakumpleto ng COVID-19 vaccine kaysa maghigpit nang sobra, bagay na hindi naman daw talaga uubra sa totoong mundo.

Sino ang exempted sa DOTr order?

Sa kabila ng utos ng DOTr, pahihintulutang sumakay ng pampublikong transportasyon ang mga:

  • may kondisyong pangkalusugang magbabawal sa taong mabakunahan, basta't may pirmadong medical certificate ng doktor
  • mga taong kailangang bumili ng importanteng goods and services (pagkain, gamot, atbp., mga kailangang magtrabaho o kailangang kumuha medical/dental necessities

"Under the Order, violations of the policy are considered violations of applicable general safety and health provisions under any concession or service agreements, authority or permits to operate of public transportation, and other similar instrument," dagdag pa ng DOTr sa isang pahayag, Miyerkules.

Magiging epektibo ang department order oras na mailimbag sa Official Gazette, pahayagan at makapagsumite ng kopya sa Office of the National Administrative Register, U.P. Law Center.

Aabot na sa 3.02 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling tala ng Department of Health kahapon. Sa bilang na 'yan, binawian na ng buhay ang 52,511 katao.

ARTHUR TUGADE

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

PUBLIC TRANSPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with