^

Bansa

Checkpoints inilatag na ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Checkpoints inilatag na ng PNP
Joint military and police forces conduct Commission on Elections checkpoints at midnight Sunday, Jan. 9, 2022 along Imelda Avenue in Cainta, Rizal as preparation for the May national elections.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inilatag na ng Philippine National Police ang iba’t ibang checkpoints na daraanan ng mga motorista sa Metro Manila at mga probinsiya kasunod na rin ng pagsisimula ng election gun ban kahapon.

Sinabi ni P/Col. Ro­derick Augustus Alba, inatasan na ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang Directorate for Ope­rations sa paglalagay ng PNP-Comelec-AFP checkpoints upang matiyak na walang sindikato o indibiduwal na maghahasik ng gulo hanggang sa araw ng halalan.

Ang gunban ay tatagal ng 150 araw o hanggang Hunyo 8, 2022.

Sa Comelec Resolution 10728, ipinagbabawal ang hindi otorisadong paggamit ng mga baril at bodyguards habang papalapit ang May 9, 2022 elections.

Bawal din ang pagdadala, pagbiyahe ng mga firearms o deadly weapons sa labas ng bahay o sa mga negosyo maging sa lahat ng public places mula Enero 9 hanggang Hunyo 8.

Kasabay nito, sinabi rin ni Alba na kailangan tiyakin ng motorista na dala nila ang kanilang vaccination card dahil may mga Quarantine and Border Control Points din na itinalaga sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 kung saan mahigpit na ipinatutupad ng ‘no vaxx, no entry’.

DIONARDO CARLOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with