^

Bansa

DOH: Limitasyon sa Paracetamol purchases pwede gawin vs 'shortage'

James Relativo - Philstar.com
DOH: Limitasyon sa Paracetamol purchases pwede gawin vs 'shortage'
People queue outside a drug store in Quiapo, Manila on Sunday night, Jan. 2, 2022 following reports of a shortage paracetamol and other fever medicines.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Bukas ang Department of Health (DOH) sa pagtatakda ng limitasyon sa pagbili ng mga indibidwal sa ilang gamot sa gitna ng COVID-19 pandemic ngayong nagkakaubusan.

Trending kasi sa social media ang kawalan ng mga Paracetamol gaya ng Bioflu, Biogesic, atbp. sa mga botika habang maraming nagkakasakit matapos ang holidays. Nangyayari ito ngayong nasa 'Pinas na ang COVID-19 Omicron variant. Ang ilan ay sinasabing dumayo na sa anim na botika sa paghahanap.

 

 

"Oo naman, gagawin natin 'yun [pagtatakda ng limitasyon kontra-panic buying]," ani Health Secretary Francisco Duque III, Martes, sa panayam ng DZXL.

"That is within the regulatory authority ng ating mga ahensya: [Department of Trade and Industry], [Food and Drug Administration], lahat 'yang mga 'yan."

Matatandaang nagpatupad noon ang Quezon City ng ordinansa laban sa "panic buying" noong ibinalik ang pinakamahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod nong Agosto.

Sandamukal ngayon ang nagkakatrangkaso o lagnat matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon — panahon kung kailan kaliwa't kanan ang mga handaan, party at mga reunion. Isa ang lagnat sa sintomas ng COVID-19.

"'Yun na nga ang masama diyan... Parang hoarding na 'yan [ginagawa ng iba]. DTI [ang bahala riyan].  Kakausapin ko agad si [Trade Secretary] Mon Lopez kasi sila ang law enforcement arm... sa hoarding, sa price at sa mga bumibili ng bultu-bulto," dagdag ni Duque.

"Masama 'yon, kasi mawawalan ng access 'yung iba [sa gamot]. Hindi tama 'yon."

Sa dami ng naghahanap ng gamot, ginawa na itong kakatawanan ng ilang netizen sa internet.

 

 

DTI: 'Walang shortage'

Sa gitna ng pagkukumahog ng publiko makahanap ng naturang gamot, kahapon lang nang sabihin ni Trade Secretary Ramon Lopez na "walang" shortage nito sa Pilipinas.

"Wala po kaming natatanggap na report on the shortage lalo na ‘yung mga paracetamol, wala ho," wika ni Lopez sa isang Laging Handa briefing.

"Ang dami ho niyan tsaka ang dami pang generics niyan. So, hindi po concern ‘yun."

Tugon naman ni Duque, kakausapin na rin niya ang pharmaceutical companies patungkol sa nauulat na shortage para sa symptomatic treatment dahil hindi ito katanggap-tanggap ngayong pandemya.

Habang isinusulat ang balitang ito, naglabas ang DOH ng pahayag na "walang" shortage sa suplay ng Paracetamol, habang nananawagan sa lahat na umiwas sa panic-buying.

Mula sa hindi tataas sa 500 nitong mga nagdaang linggo, umabot naman na sa 4,084 ang bagong nagawaan ng COVID-19 noong Lunes. Nangyayari ito ngayong umabot na sa 14 ang kaso ng mas nakahahawang Omicron variant sa Pilipinas.

Sa hiwalay na panayam ng CNN Philippine kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kanina, sinabi niyang libre ang COVID-19 testing para sa lahat basta't sila'y symtomatic — kailangan lang mag-fill up ng case investigation form at magbigay ng PhilHealth number.

Una nang nagdeklara ng alert level 3 sa Metro Manila, Rizal, Cavite at Bulacan dahil sa biglaang spike sa infections.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

PARACETAMOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with