^

Bansa

Kaso inihanda vs Pinay COVID-19 patient na 'gumimik' kahit naka-quarantine dapat

James Relativo - Philstar.com
Kaso inihanda vs Pinay COVID-19 patient na 'gumimik' kahit naka-quarantine dapat
Passengers from the luxury passenger cruise ship World Dream wear facemasks as they visit a theme park in Manila after the luxury cruise ship with more than 700 passengers, mostly from China and Hong Kong, arrived the day before at the port in Manila on Jan. 29, 2020.
AFP / Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang reklamo laban sa isang Pilipinang sumuway sa quarantine protocols para maghappy-happy, kahit lumabas na nagpositibo siya sa COVID-19.

Huwebes lang kumpirmahin ng Department of Tourism na isang returning overseas Filipina mula Estados Unidos ang lumabag sa quarantine at nag-bar pa sa Poblacion, Makati isang araw matapos dumating ng Pilipinas.

"Ito pong particular na case na recently nangyari, naka-ready na po 'yung complaint namin," ani Bureau of Quarantine (BOQ) director Obet Salvador, Biyernes, sa isang press briefing ng state media.

"Kami po ang complaint, BOQ-[Department of Health] po para po maging example na hindi po dapat i-violate 'yung quarantine laws dahil malaki po ang epekto [nito]."

 

 

Sa panuntunan ng IATF na inilabas nitong Disyembre, kinakailangang mag-facility-based quarantine ang mga travelers mula sa mga "green" at "yellow" list countries at mag-RT-PCR test sa ikalimang araw matapos nilang dumating ng Pilipinas.

Magnegatibo man sila o positibo, kailangan silang mag-quarantine ng hanggang 14 araw mula nang lumapag sa bansa. Ang Amerika na pinanggalingan ng babae ay yellow list country.

"Lahat po ng nagbe-break ng protocol po, naa-identify po natin o 'yung mga sinasabing hindi tumutuloy sa hotel, nate-trace po natin 'yun at naibabalik sa quarantine o nae-endorse sa [local government unit]," patuloy ni Salvador.

"May mga nakasuhan na po tayo."

Una nang sinabi ng DOH na paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang paglabag sa COVID-19 guidelines at policies, bagay na siyang merong mga parusa.

Aniya, kaonting sakripisyo lang ang pagsunod sa mga panuntunan para na rin makabangon ang Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic, makabalik sa trabaho ang lahat at ligtas na mabuksan ang mga eskwelahan at establisyamento.

"Now is not the time to relax and deliberately put others in danger. The entire nation worked so hard to keep our cases down," ayon sa DOH nitong Huwebes.

Kahapon lang uli lumampas ng libo (1,623) ang kaso ng bagong COVID-19 sa Pilipinas matapos ang lagpas isang buwan, kasabay ng pagpasok ng mas nakahahawang Omicron variant sa Pilipinas.

'Nanuhol ng hotel, nag-ikot sa Poblacion'

Pinatotohanan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga kumakalat na balitang paglabag ng naturang babae, habang pinagtakpan naman ang huli ng hotel na dapat niyang tinuluyan para mag-quarantine.

"Hindi siya nag-quarantine at all... May modus na babayaran lang tapos magpapakita sila on the 5th day para mag-swab... Pagdating ng taong ito, the next day, aba umikot na ng Poblacion," ani Romulo-Puyat sa isang radio interview kahapon.

Ang Poblacion sa Lungsod ng Makati ay kilalang gimikan dahil sa dami ng kainan, inuman, atbp.

Sa kabila nito, nakatanggap daw ang ahensya ng ebidensya mula sa mga kapwa partygoes ng babae na nakasama nila ang huli.

"Ginawa ng mga kasama niya, nagpakita ng signed affidavit, mga pictures, TikTok videos nandoon nga," dagdag ng kalihim. Umamin din daw ang babae na nilaktawan niya ang quarantine.

"Ang malas nun, nag-positive siya on the fifth day at 'yong mga nakasama niya nag-positive rin."

Iniimbestigahan na ngayon ng DOT ang naturang hotel at pinagpapaliwanag sa mga reklamo sa loob ng tatlong araw.

BUREAU OF QUARANTINE

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TOURISM

MAKATI

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

POBLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with