Medical frontliners binigyang pugay ni Duterte sa Rizal Day
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal bilang paggunita sa ika-125 taon ng kamatayan nito sa Luneta park, Maynila.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi niya na sana ay ipagpatuloy ng mga Pilipino ang legasiya ni Rizal na pagmamahal at malasakit sa bayan.
Pinapurihan din ng Presidente ang mga frontliner na tinawag niyang modern-day heroes na patuloy na nagsasakripisyo sa harap ng pandemya.
Tulad umano ni Rizal, ipinakita ng mga frontliner ang katapangan para iligtas ang mga kababayan laban sa virus na sumasalanta sa maraming tao.
Isinakripisyo rin umano ng mga tunay na bayani ang kanilang buhay dahil sa pagmamahal sa bayan at sa kapwa Pilipino at ito ay napatunayan sa panahon ng pandemya.
Idinagdag pa ng Pangulo na hindi alintana ng frontliners ang panganib para iligtas ang buhay ng kanilang mga kababayan laban sa COVID-19.
- Latest