^

Bansa

Marcos nanguna sa 2022 Pulse presidential survey; Robredo tuloy sa pag-akyat sa ika-2

James Relativo - Philstar.com
Marcos nanguna sa 2022 Pulse presidential survey; Robredo tuloy sa pag-akyat sa ika-2
Photo taken on March 14, 2016 shows vice presidential candidates Ferdinand Marcos Jr. and Leni Robredo attending Go Negosyo’s ‘Meet The Vice Presidentiables’ forum at the Manila Polo Club in Makati City.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Numero uno ngayon sa panibagong presidential survey ng Pulse Asia Research Inc. ang isang kontrobersyal na dating senador habang sinusundan naman siya ng kasalukuyang ikalawang pangulo.

Ito ay batay sa December 2021 "Ulat ng Bayan" national survey na inilabas ngayong Miyerkules. Ayon sa Pulse Asia, ikinasa ang pag-aaral mula ika-1 hanggang ika-6 ng Disyembre, gamit ang harapang mga panayam.

"This nationwide survey is based on a sample of 2,400 representative adults 18 years old and above. It has a ± 2% error margin at the 95% confidence level," wika ng grupo kanina.

Narito ang mga lumabas na datos mula sa nasabing survey:

  • Marcos, Bongbong (53%)
  • Robredo, Leni (20%)
  • Domagoso, Isko Moreno (8%)
  • Pacquiao, Manny Pacman (8%)
  • Lacson, Ping (6%)
  • Parlade, Antonio Jr. (0.01%)
  • De Guzman, Leody (0.004%)
  • Gonzales, Norberto (0%)

 

 

Lumalabas sa pag-aaral na numero uno si Bongbong, anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr., limang buwan bago ang May 2022 elections — ito habang tumatamasa siya ng majority support sa Metro Manila (61%), nalalabing bahagi ng Luzon (51%), Mindanao (64%), Class ABC (53%) at Class D (54%).

"The former lawmaker, enjoys the support of 53% of Filipino adults," sabi ng Pulse Asia, habang idinidiing sila ang mga boboto kay Marcos kung kinasa ang halalan noong panahon ng survey.

"The latter’s presidential bid is also backed by a big plurality of Visayans (42%) and a near majority of those belonging to Class E (49%)."

Sa kabila nito, malaki ang itinalon ni Robredo papuntang ikalawang pwesto kumpara sa ika-anim na posisyon sa inilabas na survey noong Setyembre.

Kapansin-pansing mas marami pa ang mga hindi sigurado sa mga iboboto nila sa pagkapangulo sa 2022 kumpara sa porsyento ng boboto para sa ilang kumakandidato:

  • hindi pa alam (3%)
  • tumangging sumagot (1%)
  • wala (1%)

Matatandaang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang numero uno sa Pulse Asia presidential survey na inilabas noong Setyembre. Gayunpaman, napagdesisyunan na lang tumakbo sa pagkabise ng presidential daughter na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasaysayan, hindi porke nangunguna ka sa survey ay ikaw na ang mananalo, gaya na lang ng nangyari noon kay dating Sen. Manny Villar na nangunguna sa 2009 Pulse Asia surveys. Natalo siya ni dating Pangulong Noynoy Aquino pagdating ng halalang 2010.

Domagoso 'top alternative' sa pagkapangulo

Bagama't si Robredo ang number two sa survey, hindi siya ang iboboto ng nakararami kung sakaling iatras ni Marcos ang kanyang kandidato, ayon sa Pulse Asia.

Numero uno bilang "second choice" sa pagkapangulo si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa ngayon.

"Should their original pick for president end up not pursuing his/her candidacy, 23% of those with a first choice for the post would instead vote for Manila Mayor Domagoso," sabi pa ng grupo.

"Sharing 2nd place in terms of second-choice voting figures are Senator Lacson (17%) and Vice-President Robredo (14%) while in 3rd place are Senator Pacquiao (11%) and former Senator Marcos (11%)."

Hindi pa aabot sa 1% ang pipili kina De Guzman, Gonzales o Parlade bilang second choice.

 

 

Nangunguna pa rin sa vice presidential race si Duterte-Carpio sa ngayon (45%), habang sinusundan naman nina Senate President Vicente "Tito" Sotto (31%) at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan (12%).

"In keeping with our academic nature, no religious, political, economic, or partisan group influenced any of these processes," sambit pa ng Pulse Asia.

"Pulse Asia Research undertakes Ulat ng Bayan surveys on its own without any party singularly commissioning the research effort."

2022 NATIONAL ELECTIONS

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

PULSE ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with