^

Bansa

Duterte lilikom pa ng P10 bilyon para sa nasalanta ng bagyo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte lilikom pa ng P10 bilyon para sa nasalanta ng bagyo
In this photo taken early Dec. 16, 2021, residents sleep inside a sports complex turned into an evacuation center in Dapa town, Siargao island, Surigao del Norte province in southern island of Mindanao, ahead of Typhoon Rai's landfall in the province.
AFP / Roel Catoto

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na lilikom ng karagdagang P10 bilyon para sa rehabilitasyon at pagbangon muli ng mga probinsiya na naapektuhan ng bagyong Odette.

Sinabi ito ng Pangulo matapos bisitahin ang mga biktima ng bagyo sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Nauna rito, nangako si Duterte ng P2 bilyon sa pagbisita niya sa Leyte at karagdagang P2 bilyon nang magtungo sa Cebu at Bohol.

Inatasan din ng ­Pangulo ang mga ahensiya ng gobyerno na agad tugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyo sa Negros Occidental at Negros Oriental.

Partikular na iniutos ni Duterte sa Department of Social Welfare and Development na ipagpatuloy ang pagbibigay ng family food packs, tubig at shelter assistance sa mga pamilya na nasira ang mga tahanan.

Inatasan naman nito ang Department of Trade and Industry na banta­yan ang presyo ng mga bilihin kabilang ang mga generators na napaulat na dalawang beses na nagmahal ang presyo.

DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with