^

Bansa

'Odette' nag-iwan na ng higit P225 milyong halaga ng pinsala sa imprastruktura

Philstar.com
'Odette' nag-iwan na ng higit P225 milyong halaga ng pinsala sa imprastruktura
Residents salvage belongings from their destroyed houses at Talisay in Cebu province on December 17, 2021, a day after Super Typhoon Rai hit.
AFP/Alan Tangcawan

MANILA, Philippines — Daan-daang milyong pisong halaga ng pinsala ang winasak ng tinaguriang pinakamalakas na bagyo ngayong 2021 sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling tala ng gobyerno.

Sa ulat ng Office of Civil Defense ngayong araw, tutuntong na sa P225,170,000 ang ineestimang sinira ng bagyong "Odette" sa imprastruktura, kabilang na ang:

  • kabahayan (3,803)
  • imprastruktura (16)

Kalakhan sa mga napinsala ay para sa pagkontrol ng baha, mga pasilidad ng gobyerno at mga tulay.

Bukod pa 'yan P118.3 milyong damage na naidulot sa sektor ng agrikultura at 5,391.77 ektarang pananim, ayon sa OCD, Lunes.

 

 

Maliban sa probinsya ng Cebu at Bohol, papalo na sa 12 lungsod at bayan mula sa rehiyon ng CARAGA ang nagdeklara ng state of calamity sa ngayon.

Dahil sa mga pinsalang naitala dahil sa nagdaang sama ng panahon, maraming lugar pa rin ang nananatiling walang kuryente at matinong suplay ng tubig, dahilan para mahirapan ang maraming Pilipino na makontak ang kani-kanilang pamilya at makaranas ng gutom.

Bagamat una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na aabot sa 208 ang patay dulot ng bagyo, aabot pa lang sa 58 ang pinagsamang bilang ng kumpirmado at bineberipika pang patay sa bagyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council kanina. Maliban pa ito sa 199 sugatan at 18 nawawala magpahanggang sa ngayon. 

Sa ngayon, aabot na sa P969 milyon halaga ng stockpiles at standby funds ang inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga nasalanta, habang 674 eskwelahan naman ang na-monitor ng Department of Education para gawing evacuation centers.

Una nang iniulat ng DSWD na tumuntong na sa 1.8 milyong katao ang naapektuhan ng naturang bagyo habang nasa 438,000 sa ngayon ang nananatili sa mga pansamantalang tirahan.

Dahil pa rin sa epekto ng naturang bagyo, lagpas 600 pamahalaang lungsod sa ngayon sa buong Pilipinas ang naaantala ang bakunahan laban sa COVID-19. — James Relativo

AGRICULTURE

BAGYONG ODETTE

INFRASTRUCTURE

NDRRMC

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SUPER TYPHOON ODETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with