^

Bansa

Ika-3 Omicron case sa Pilipinas naitala sa unvaccinated OFW galing Qatar

James Relativo - Philstar.com
Ika-3 Omicron case sa Pilipinas naitala sa unvaccinated OFW galing Qatar
Repatriates are welcomed at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 in this August 2020 photo
The STAR / Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Nakita na sa Pilipinas ang isa pang kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant, ulat ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Ayon sa panibagong biosurveillance data ng DOH, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health, narito ang detalye sa nasabing kaso:

  • 36-anyos na lalaki
  • returning overseas Filipino, sea-based OFW galing Qatar
  • hindi bakunado laban sa COVID-19
  • may travel history sa Egypt
  • dumating ng 'Pinas noong ika-28 ng Nobyembre (Mactan-Cebu International Airport) sa pamamagitan ng Qatar Airways

Pagdating ng Pilipinas, agad na na-quarantine sa isang isolation facility ang lalaki.

Naka-home quarantine sa Cavite ang nabanggit at naka-endorso na para bakunahan laban sa COVID-19.

Gayunpaman, nag-negatibo na sa COVID-19 ang nabanggit pagsapit ng ika-19 ng Disyembre.

Close contacts ng 3rd case negatibo lahat

"We were able to identify three close contacts from the flight manifest," wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum kanina.

"Na-monitor natin, home quarantine sila. We already re-tested them [for COVID-19] and all of them had results of negative."

Bukod sa mas nakahahawa kaysa karaniwan, sinasabing nakakabawas sa bisa ng COVID-19 vaccines ang Omicron variant.

Sa huling ulat ng DOH nitong Linggo, aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 50,739 katao. — may mga ulat mula kay The STAR/Sheila Crisostomo

DEPARTMENT OF HEALTH

OMICRON VARIANT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

QATAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with