^

Bansa

Deparment of Disaster Resilience ipasa na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Solon sa Senado

MANILA, Philippines — Nanawagan muli si House Committee on Ways and Means  at 2nd District Albay Rep. Joey Salceda sa Senado na aprubahan na ang paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ito’y matapos ang pananalasa ng super typhoon Odette sa Visayas at Mindanao na nakaapekto sa mahigit 300,000 katao habang posibleng umabot sa lagpas 30 ang nasawi habang marami pa ang pinaghahanap.

Ayon kay Salceda, palaging may banta ng panganib dulot ng mga kalamidad sa Pilipinas dahil sa ‘climate change’ kung saan ang mga rehiyon na binayo ni Odette ay hindi naman dati-rating nakakaranas ng mga pagbagyo.

Pinuna ni Salceda na siyang House Ways and Means Committee chairman at may-akda ng DDR Act, na gaya ng ginawa ni Odette, wala ng lugar sa bansa ang masasabing ligtas sa malalakas na bagyo dahil nagbago na nga ang klima kaya dapat na ring baguhin ang pamamaraan ng pagtugon sa mapaminsalang mga kaganapan.

Naipasa na ng Kamara ang DDR Act (HB 5989) noong Setyembre 21, 2020 na umani ng napakataas na 241 boto. Itinuturing itong pinakamahusay na balangkas ng bansa laban sa natural na mga kalamidad, kasama na ang pandemya. Paulit-ulit na sinertipikahan na rin ito ni Pangulong Duterte na “sadyang kailangan.”

Naghihintay ngayon ang DDR Act ng aksiyon ng Senado. Ipinasa na rin ng Kamara ang kahalintulad na bill ni Salceda noong 2017 ngunit nabinbin iyon sa Senado at nilampasan ng 2018 eleksyon.

“This emphasizes the fact that we can no longer say that one area of the country is typhoon-proof. The climate has changed. Our strategies for dealing with disasters must change too”, punto ng mambabatas na iginiit na malaki ang pangangailangan na maaprubahan na ang DRR Bill lalo na at walang pinipili ang kalamidad.

DEPARTMENT OF DISASTER RESILIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with