Globe nagtayo ng bagong cell tower sa Cotabato
MANILA, Philippines — Matatagpuan sa pagitan ng Maguindanao at ng Lanao del Sur, ang bulubunduking barangay ng Dado sa Alamada, Cotabato, sa mahabang panahon, ay nahiwalay sa iba pang bahagi ng bansa dahil sa kawalan ng telecommunications facilities.
Sa kabila ng malawak nitong land area, ang barangay ay may populasyon lamang na 12,000. Ang mga tao ay walang pamamaraan para magkaroon ng komunikasyon sa kanilang mga kaibigan, pamilya at business associates sa labas ng barangay.
Gayunman, ang lahat ng ito ay nagbago nang magtayo kamakailan ng cell tower ang Globe. Ang bagong pasilidad ay may 4G LTE, ang fourth generation ng broadband cellular network technology, na nagkakaloob ng “high bandwidth, lower latency, and improved network capacity.”
Sa 4G LTE, ang mga residente ng Brgy. Dado ay nakakatawag, nakakapag-text, at nakakapag-browse na ngayon sa internet.
Nagpasalamat naman si Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group, sa local governments na sumusuporta sa pagsisikap ng Globe na makapagtayo ng telecom infrastructure sa buong bansa para matamo ang isang #1stWorldNetwork.
“As the Philippines moves towards digitalization, connectivity has become the lifeline of many Filipinos. We will continue to put up new cell sites in places that need them most to give equal opportunity to all,” aniya.
Sa misyon nitong maghatid ng #1stWorldNetwork connectivity sa mga Pilipino, pinalawak ng Globe ang pagtatayo ng mga bagong cell site ngayong taon. Ang kompanya ay gumagamit ng 4G LTE at 5G wireless technologies para sa mas mabilis na pag-download at pag-upload, mas mataas na bandwidth, at mababang latency.
Tinutulungan ng Globe ang mga customer nito na lumipat sa 5G-enabled devices at nag-aalok ng libreng SIM 4G LTE/5G upang maranasan ng mga customer ang lakas ng bagong teknolohiya.
- Latest