^

Bansa

Libu-libong pasahero stranded sa pantalan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Libu-libong pasahero at daan-daang mga sasakyang-pandagat ang na-istranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa kasunod ng pagpasok ng bagyong Odette.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 1,606 pasahero, tsuper at cargo helpers ang naipit sa mga pantalan.

Aabot din sa 879 rolling cargoes, 13 sea vessels at dalawang motor banca ang istranded.

May 161 sea vessels at 52 motor bancas din ang nakikisilong sa iba’t ibang pantalan habang dumaraan ang bagyo.

Una nang inilagay ng PCG ang kanilang mga tauhan sa ‘heightened alert status’ dahil sa naturang bagyo.

Nakahanda naman ang PCG deployable response groups (DRGs) para magkasa ng eva­cuation o rescue operations kung kinakailangan.

Kabilang sa mga ka­ragatan at pantalan na apekatado ng bagyo ang Eastern Visayas, Bicol Region at North Eastern Mindanao.

PGC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with