7.6 magnitude lindol sa Indonesia, walang tsunami threat sa Pinas – Phivolcs
December 15, 2021 | 12:00am
MANILA, Philippines — Walang banta ng tsunami sa Pilipinas ang naganap na 7.6 magnitude na lindol sa Indonesia, kahapon ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), wala silang nakikitang senyales ng tsunami sa Pilipinas ang tumama na lindol sa Indonesia.
Sabi ng Phivolcs, ang tsunami waves ay mapanganib sa mga baybayin na saklaw ng 1,000 kilometro ng earthquake epicenter ng lindol sa Indonesia na hindi naman sakop ang ating bansa.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended