^

Bansa

'Magsalita vs pang-aapi': VP Robredo nanawagan ngayong Human Rights Day

James Relativo - Philstar.com
'Magsalita vs pang-aapi': VP Robredo nanawagan ngayong Human Rights Day
Litrato ng ilang magsasakang kababaihan sa isang protesta ngayong Human Rights Day, ika-10 ng Disyembre, 2021
Released/Amihan Women

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng "solidarity" ang isang kumakandidato sa pagkapangulo sa 2022 sa pagdaraos ng Araw ng Karapatang Pantao, bagay na kanyang binitawan matapos ang ilang kontrobersyal na pahayag na tinutulan ng human rights advocates.

Ngayong Biyernes kasi ang ika-73 anibersaryo ng pagratipika ng United Nations sa Universal Declaration of Human Rights, isang pandaigdigang dokumento na naggigiit sa karapataan at kalayaang dapat tinatamasa ng lahat ng tao.

"May this commemoration serve as a clear call to action—to defend and uphold our rights; to speak truth in the face of oppression," ani Robredo sa isang pahayag kanina.

"[A call to action] to replace structures of inequality with systems built on compassion; to build, together, a better normal of true inclusiveness and radical solidarity for all."

 

 

Ito nga ang sabi ni VP Leni isang araw matapos katigan ng Korte Suprema ang counstitutionality ng Anti-Terrorism Act of 2020 maliban sa dalawang probisyon — bagay na maaari raw magamit laban sa mga kritiko ng gobyerno, ayon sa ilang grupo.

Ayon sa ikalawang pangulo, tanda raw ang araw na ito na anumang lahi, kulay, relihiyon o kasarian ng tao, iisa ang lahat sa pag-asang makakagawa ng "mas pantay na mundo para sa lahat."

Magagawa lang daw ito sa pamamagitan ng pagtindig sa karapatang pantao at karapatan ng iba sa lahat ng pagkakataon.

"It also calls for empathy and fellowship, put into practice by the work of looping those in the margins into the cycle of progress and empowerment," dagdag pa niya.

"It requires embracing solidarity, and the conviction that an injustice committed against a fellow human person is an injustice committed against us all."

Sinasabi niya ito matapos suportahan ni Robredo ang mandato ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na iniuugnay sa red-tagging at operasyon laban sa mga ligal na aktibista.

Huwebes lang nang sabihin ni Robredo na umaasa siyang mabibigyan ng linaw ang mga ikinakatakot ngayon ng human rights advocates sa pag-uphold sa constitutionality ng Supreme Court sa kalakhan ng anti-terror law oras na ilabas ang kabuuan ng ruling nito.

Duterte pinapanagot sa huling taon ng 'madugong' termino

Nananawagan naman ngayon ang sari-saring grupo para panagutin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang idinulot sa human rights situation ng Pilipinas, bagay na labis daw nadungisan ng dugo dahil sa:

  • "huwad" na gera kontra-droga
  • martial law sa Mindanao
  • whole-of-nation approach sa kontrainsurhensya
  • mabilis na pagpapasa ng anti-terror law habang may COVID-19 pandemic

"Walang magmo-move on sa lahat ng krimen at inutang na dugo ng rehimeng Duterte ngayong paparating na Pasko at Bagong Taon," ani Kabataan party-list president Raoul Manuel.

"Hindi simpleng numero lang ang mga paglabag sa karapatang pantao, kundi mga buhay, pangarap at dignidad na ninakaw ng mga nasa pwesto."

Nangangamba naman ngayon si Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) chairperson Antonio Flores sa desisyon ng SC sa terror law bilang constitutional, lalo na't may kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council na ideklarang terorista ang kung sinu-sino.

Sinubukan na kasi noong 2018 ng Department of Justice na i-proscribe ang nasa 649 indibidwal, na naglalaman ng limang miyembro ng UMA, kasama na sina Marilyn Hernandez, Carlos Sañosa, Jun delos Reyes, Robert Hernandez at Josefino Castillano. Natanggal naman sa listahan ang karamihan dito noong Enero 2019.

Ilang buwan na lang ang nalalabi bago magtapos ang termino ni Digong, habang kumakandidato naman sa pagkabise presidente ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Running mate ng huli si Bongbong Marcos, na anak naman ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

"Taking back human rights means correcting human wrongs! We will make sure that Duterte and his minions will not step down unpunished," patuloy ni Manuel.

"Kaya sa 2022, mangangampanya ang kabataan laban sa mga kandidatong tiyak na magpapatuloy ng tiranikong pamumuno at magtatanggol sa kapwa berdugo."

ANTI-TERROR LAW

HUMAN RIGHTS

KABATAAN PARTY-LIST

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

UNYON NG MGA MANGGAGAWA SA AGRIKULTURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with