^

Bansa

Chiz: Herd immunity makakamit ng Sorsogon bago matapos ang taon

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Chiz: Herd immunity makakamit ng Sorsogon bago matapos ang taon
File photo shows Sorsogon Gov. Chiz Escudero
Chiz Escudero / Facebook

MANILA, Philippines — Tiwala si Sorsogon Gov. Chiz Escudero na makakamit ng probinsiya ang herd immunity sa pagtatapos ng 2021 kung kailan inaasahang mababakunahan ang 85% ng target population nito – lampas-lampas sa itinatakda ng World Health Organization (WHO) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious ­Diseases (IATF).

“Marami kaming nabigyan ng first dose noong National Vaccination Days na inaasahan naming mabibigyan ng second dose bago matapos ang taon kung kaya’t mararating namin ang mahigit kumulang na 84.7 percent fully vaccinated rate para sa populasyon ng aming lalawigan na may edad 12 pataas,” ani Escudero na kumakandidato para sa bagong termino sa Senado.

Lumilitaw sa mga paunang datos mula sa Sorsogon Provincial Information Office na sa unang araw ng limang araw na “Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Days,” nasa 29,141 Sorsoganons ang nabigyan ng first dose – numero na mas mataas nang 2,343 sa target ng Department of Health.

Ibinahagi ng beteranong mambabatas na lumambot na ang pambansang gobyerno sa nauna nitong direktiba na nagsasaad na mapaparusahan ang mga lokal na pamahalaan kung hindi bibilisan ang vaccination program sa kani-kanilang nasasakupan, lalo’t may mga nagiging iba’t ibang problema at aberya dati sa parte ng pamahalaan pagdating sa distribusyon ng mga bakuna sa iba’t ibang lokalidad.

Sa ngayon, sinabi ni Escudero na nag-iba na at palapit na nang palapit ang Sorsogon sa herd immunity dahil na rin sa parami na nang parami ang mga bakunang dumarating sa probinsiya mula Oktubre kung saan nakakatanggap ito mula 20,000-40,000 doses kada araw.

“Sapat na sa ngayon ang mga bakuna ngunit minsan lang ay walang hiringgilya. Pero pinalawig din naman nila ang panahon na ibinibigay sa amin para maturok namin dahil complete set dapat iyon. Ibig sabihin dapat may syringe din silang ipinadadala,” paliwanag ni Escudero.

CHIZ ESCUDERO

HERD IMMUNITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with