^

Bansa

Webinar sa bagong tobacco, health care law ikakasa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Webinar sa bagong tobacco, health care law ikakasa
Sa RA 11346, dinagdagan ang buwis ng sigarilyo at nagpataw ng excise tax at regulasyon sa mga e-cigarette.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng kalahating araw na Webinar forum ang isang independent academic-based consultancy firm tungkol sa dalawang bagong batas tungkol sa buwis at regulasyon ng mga tobacco product at electronic cigarette o vape.

Itinakda ang event ngayong Disyembre 3, 2021 mula alas-9 hanggang alas-11 ng umaga.

Layunin nitong maka­pagbigay ng mas malalim na pag-unawa sa publiko, partikular na sa mga publicist at media practitioner, sa Republic Acts (RA) 11346 at 11467.

Sa RA 11346, dinagdagan ang buwis ng sigarilyo at nagpataw ng excise tax at regulasyon sa mga e-cigarette.

Samantala, inamyendahan ng RA 11467 ang “National Revenue Code” na nagbibigay ng VAT exemp­tion sa pagbebenta at importation ng mga gamot para sa diabetes, high cholesterol, hypertension, cancer, mental illness, tuberculosis at kidney disease.

Kabilang sa probisyon ang pagtataas sa excise tax ng mga wine at distilled spirit.

Naimbitang resource speaker sina Atty. Beverly Milo, executive assistant for large taxpayers service ng Bureau of Internal Re­venue; Novel Bangsal, exe­cutive director ng budget and tax research bureau ng House of Representative at Miguel Antonio Estrada, isang ekonomista.

HOUSE OF REPRESENTATIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with