Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan
MANILA, Philippines — Muli na namang pumalo ang "outstanding debt" ng gobyerno ng Pilipinas noong sa nakaraang dalawang buwan habang patuloy na tumutulak ang coronadisease pandemic (COVID-19).
Papalo na ito sa P11.97 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2021, balita ng Bureau of Treasury (BTr) sa isang pahayag ngayong ika-1 ng Disyembre.
Ito na ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas, mas malaki pa sa P11.9 trilyong marka noong Setyembre.
"Sa buwang 'yon, tumaas nang bahagya ang kabuuang utang ng pambansang gobyerno ng P54.48 bilyon o 0.46% primarya dahil sa net issurance ng domestic securities," paliwanag ng Treasury, Miyerkules, sa Inggles.
Nalampasan na nito ang inaasahang P11.73 trilyong pagkakautang na itinakda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magtapos ang 2021.
JUST IN: The outstanding debt of the Philippines has reached another all-time high of P11.97 trillion as of end-October. The amount has exceeded the debt program of P11.73 trillion for the year. @PhilippineStar
— Jah Rosales (@alyasjah) December 1, 2021
Binubuo ang naturang pagkakutang ng:
- P8.47 trilyon (domestic debt)
- P3.5 trilyon (external debt)
Ang mga pagkakautang sa loob ng bansa ay nadagdagan ng P80.65 bilyon. Mas mataas ito ng 0.96% kumpara sa kinalagyan nito noong Setyembre dahil pa rin sa "net issurance" ng government securities.
"Simula 2021, lumundag ng P1.77 trilyon o 26.49% ang utang panloob [ng gobyerno]," patuloy ng BTr.
Obligasyon sa mga dayuhan lumiit
Sa kabila ng record-high debt ng national government, mas mababa ng P26.17 bilyon (0.74%) ang external debt ng bansa kumpara noong buwan bago nito.
Iniuugnay ang mas mababang bilang na ito sa epekto ng local at foreign currency exchange rate adjustments na umabot ng P22.68 bilyon at P8.45 bilyon. "Sobra-sobra na ito para ma-offset ang net availment ng external obligations na aabot sa P4.96 bilyon," dagdag pa ng BTr.
Halos buwan-buwang nakababasag ng historical records ang gobyerno pagdating sa paghiram ng pera habang gumagawa ito ng paraan upang pondohan ang COVID-19 response measures. Ang lahat ng ito ay nangyayari habang pinaghahandaan ng pamahalaan ang posibleng pagpasok ng heaviliy mutated Omicron variant.
Aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng nasabing virus, ayon sa pinakahuling tala ng Department of Health nitong Martes. Sa bilang na ito, patay na ang 48,545 katao. — may mga ulat mula sa The STAR/Elijah Felice Rosales
- Latest