^

Bansa

Face shields 'hinihikayat' na ng Palasyo vs Omicron variant, kahit deins pa rin required

James Relativo - Philstar.com

MANILA, Philippines — Bagama't hindi pa rin obligado ang publiko na magsuot ng face shield sa ibabaw ng kanilang face mask laban sa COVID-19, pinayuhan ng Malacañang ang taumbayan na magsuot ng nauna kung kakayanin laban sa banta ng panibagong variant of concern (VOC) na Omicron variant.

Ito'y kahit na required na lang ito para sa Alert Level 5, granular lockdown areas at medical facilities. Samantala, may laya ang local government units pagdating sa mandatory face shields sa Alert Level 4 areas. Pwede rin itong iobliga ng mga negosyo kung nanaisin nila. 

"Well as it stands, ganoon pa rin po ano. 'Yung latest resolution ng IATF tungkol sa face shields, ito po ay mandatory sa mga healthcare settings. At sa ibang settings naman po ay voluntary siya," wika ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles, Lunes.

"So while it is voluntary, siyempre ako personally I would like to encourage ang ating mga kababayan, kung kaya naman pong magsuot ng face shield ay magsuot tayo ng face shield para dagdag proteksyon naman."

Aniya, kung tatanungin pa rin daw kasi ang mga dalubhasa ay nagbibigay pa rin ito ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Ang COVID-19 Omicron variant (B.1.1.529) ay ang pinakabagong VOC na pinangalanan ng World Health Organization, na siyang merong 50 mutations. Posible rin daw na mas nakahahawa ito kaysa sa karaniwan habang maaari rin daw nitong mapababa ang bisa ng mga COVID-19 vaccines.

"Pero ang pinaka-minimum talaga 'yung masking. Talagang kailangang naka-mask talaga: mask, hugas, iwas, bakuna," dagdag pa ni Nograles kanina.

Kasalukuyang naghihigpit ang Pilipinas sa mga border nito para matiyak na hindi makapapasok ang panibagong variant ng nakamamatay na virus, dahilan para magpatupad ito ng travel ban sa 14 bansa.

Una nang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez noong Linggo na tinitignan nila ang posibilidad ng pagbabalik ng mandatory face shield policy laban sa Omicron variant, bagay na hindi pa rin namamataan sa loob ng Pilipinas.

"We will look at the possibility. ‘Yan nga inaano ni [Health] Secretary [Francisco] Duque. He is pro na maibalik ‘yung any protections na pwede natin gamitin," ani Galvez kahapon.

"Kasi some people from WHO (World Health Organization) also believed na kaya nagkaroon tayo ng magandang result dito sa Delta as compared to others is because of also the added protection of face shield."

Una nang kwinestyon ng ilang pulitiko at sektor ang bisa ng face shields laban sa COVID-19, maliban pa sa pagkakaugnay nito sa katiwalian at overpricing.

Sa kabila nito, naninindigan ang Department of Health (DOH) na nagbibigay ito ng added protection laban sa naturang sakit. Bago tinanggal ang mandatory face shield sa lahat ng 3Cs (closed spaces, crowded areas, close-contact settings) sa Pilipinas, ang bansa na lang halos ang nagpapatupad ng mandatory usage nito.

Aabot na sa 2.83 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon ayon sa DOH. Sa bilang na 'yan, patay na ang 48,205 katao.

FACE SHIELD

KARLO NOGRALES

NOVEL CORONAVIRUS

OMICRON VARIANT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with