^

Bansa

Suporta sa Buhay partylist bumuhos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng buong suporta ang ibat-ibang religious groups sa bansa sa Buhay partylist.

Sa isang pagtitipon ng Buhay partylist na ginanap sa Rizal Park Hotel na dinaluhan ng may 700 katao, tumanggap sila ng  suporta mula sa Missionary Family of Christ, (MFC) isang Catholic lay organization na may chapters worldwide.

Mismong si Bro. Frank Padilla, servant general ng MFC ang humarap kay Deputy Speaker at Congressman Lito Atienza na siyang nagtatag ng Buhay Party List at kasalukuyang kinatawan sa Congress.

Maliban sa MFC, suportado rin ang Buhay partylist ng Live Christ Share Christ (LCSC) Movement sa pamumuno ni Bro. Narsing Egiua, na involved sa mga campus based program ng Live Pure Movement at nakapagpastol na ng daanlibong kabataan sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Kasama rin sa pagtitipon ang iba’t-ibang Rotary Club chapters para bigyan ng suporta ang Buhay Party List first nominee na si Von Valdepeñas na isang prominenteng Rotarian, negosyante at service oriented volunteer.

Si Valdepeñas ay nahalal bilang1st Nominee ng Buhay Partylist habang 2nd nominee naman si Mark Brina Paz na isang prominente, batang negosyante at philantropist at ang third nominee na si Xavy Padilla na isang aktibong lider ng MFC at LCSC.

BUHAY PARTYLIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with