^

Bansa

'Traslacion 2022' suspendido uli dahil sa COVID-19, ayon sa Manila LGU

Philstar.com
'Traslacion 2022' suspendido uli dahil sa COVID-19, ayon sa Manila LGU
Barefoot devotees – estimated to number around 70,000 – jostle to get closer to the image of the Black Nazarene during a thanksgiving procession outside the Quiapo Church in Manila Monday. Inset shows a devotee being carried by rescue personnel after being injured during the procession.
The STAR / Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Maaantala na naman ang taunang prusisyon ng imahe ng Itim na Nazareno sa darating ika-9 ng Enero sa susunod na taon dulot pa rin ng patuloy na banta ng coronavirus disease (COVID-19), pagkukumpirma ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Biyernes nang kumpirmahin ito ng hepe ng Manila Public Information na si Faye Orellana pagdating sa kasasapitan ng tradisyon ng "Traslacion," na matatandaang sinuspindi rin noong 2021.

"Instead, the celebration of the Feast of the Black Nazarene will be done through a motorcade in selected areas of the City of Manila," ayon sa statement ng MPIO.

"The decision was made following a consultation dialogue between Fr. Douglas Badong and other officials of Quiapo Church and the city government of Manila."

Ayon kay Manila Police District director Gen. Leo Francisco, hindi bababa sa 8,000 kawani ng Philippine National Police ang itatalaga sa mismong pista.

Maaari pa naman daw dagdagan ang manpower sa naturang aktibidad depende sa sitwasyon at alert level status ng Maynila pagsapit ng Enero 2022.

"The meeting was held yesterday and the decision to suspend the grand procession of the Black Nazarene next year was a mutual decision. The decision made was in line with the implementation of Alert Level 2 in the nation’s capital," ani Orellana kanina.

"In the case that Alert Level 3 will be raised, consultation between the Church and the government will be done for possible changes."

Kasama rin sa mga lumahok sa naturang pagpupulong ay ilang kinatawan ng MPD, Philippine Red Cross, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office at Manila Traffic and Parking Bureau.

Ang Traslacion ay pagsasadula ng paglilipat ng imahe noong 1787 patungo sa Minor Bassilica mula sa orihinal nitong kinalulugaran sa Intramuros, Maynila.

Milyun-milyong deboto ang dumadalo sa naturang pagtitipon taun-taon mahawakan lang ang nasabing "milagrosong" imahe, bagay na tumatagal lagpas 22 oras minsan.

Sa huling taya ng Department of Health ngayong araw, aabot na sa 8.3 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, patay na ang 48,017. — James Relativo

BLACK NAZARENE

MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

TRASLACION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with