^

Bansa

Kandidatong nagpapa-raffle ng papremyo 'pwede makalaboso, ma-disqualify' — Comelec

James Relativo - Philstar.com
Kandidatong nagpapa-raffle ng papremyo 'pwede makalaboso, ma-disqualify' — Comelec
This photo taken in May 2019 shows Commission on Elections spokesperson James Jimenez briefing reporters about updates on the 2019 midterm polls.
Philstar.com/Efigenio Christopher Duque Toledo IV, File

MANILA, Philippines — Maaaring makulong ng ilang taon at pagbawalang humawak ng posisyon sa gobyerno ang mga kandidato sa eleksyon kung mapatutunayang namumudmod ng papremyo gamit ang mga "raffle."

'Yan ang inilinaw ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez sa panayam ng "One Balita Pilipinas" sa One PH ngayong araw.

"Electoral offense po 'yan [online raffle] so ang penalty will be or might include imprisonment for up to six years as well as disqualification from holding office," wika ni Jimenez, Martes.

Sa kabila nito, inilinaw ni Jimenez na hindi pa ipinagbabawal ang naturang gawi hangga't hindi pa nagsisimula ang campaign period para sa 2022 elections.

"Yes, election rules still don’t apply to would-be candidates, but must aspirants really really be giving money away thru daily (g)cash raffles?" sabi ni Jimenez sa hiwalay na tweet ngayong buwan.

"Huwag tumanggap at hwag iboto ang mga namimigay ng pera kapalit ng boto, Kahit pa tawaging ayuda yan."

Ilang netizens na ang nagpupuntong parang "vote buying" na rin ito, bagay na ipinagbabawal sa batas.

Ayon sa Resolution 10730 ng Comelec, magsisimula ang campaign period para sa May 9, 2022 elections sa mga susunod na petsa:

  • presidential, vice presidential, senatorial at party-list race (ika-8 ng Pebrero, 2022)
  • kandidato sa House of representatives, regional, provincial, city at municipal officials (ika-25 ng Marso, 2022)

Pare-pareho namang magtatapos ang naturang campaign period sa ika-7 ng Mayo, dalawang araw bago ang aktwal na halalan.

Una nang sinabi ng poll body na target mailabas sa Disyembre ang pinal na listahan ng mga kakandidato sa 2022.

Nagpapa-raffle ngayon pa lang

Bagama't hindi pa ipinagbabawal sa ngayon ang mga raffle at pagpapaulan ng limpak-limpak na papremyo, isinasagawa na ito at pinangungunahan ng ilang naghain ng certificates of candidacy para sa 2022 elections.

Ilan na rito sina presidential aspirants Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Sen. Christopher "Bong" Go.

Sa ilang social media posts, bistong-bisto naman ang "pasabog na mga pa-[premyong] handog ni Congressman Along Malapitan" (verbatim), na kilalang tatakbo sa Lungsod ng Caloocan.

 

— may mga ulat mula sa ONE News at News5

vuukle comment

COMELEC

COMMISSION ON ELECTIONS

JAMES JIMENEZ

RAFFLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with