^

Bansa

FDA: COVID-19 vaccines para sa edad 5-11 posible bago mag-2022

James Relativo - Philstar.com
FDA: COVID-19 vaccines para sa edad 5-11 posible bago mag-2022
A teenage boy (R) receives the Pfizer vaccine against Covid-19 at a sports complex in Marikina, suburban Manila on October 22, 2021, after the national government expanded its innoculation program against Covid-19 to children with comorbidities aged 12-17.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dalawang brand ng bakuna laban sa COVID-19 ang nakikita ngayon ng Food and Drug Administration na maaaring maiturok na sa mas maraming menor de edad bago magtapos ang taong 2021.

Ito ang palagay ni FDA director general Eric Domingo, Martes, tungkol sa Pfizer at Sinovac ngayong nakakausap na nila ang mga kumpara para sa mga bersyon ng bakunang pwede sa mga below 12-years-old.

"I would think before the end of the year [we will have it]. I'm pretty sure Pfizer's going to be ready and Sinovac also told us that their data is being collated and would be submitted soon," ani Domingo sa briefing ng Palasyo kanina.

"So 'yun 'yung dalawang possible vaccines natin for children below 12 coming soon."

Ngayong Nobyembre lang nang pahintulutan ng mga gobyerno ng Estados Unidos at Israel ang pagbabakuna ng mga batang edad 5-11 taong gulang gamit ang COVID-19 vaccines ng Pfizer/BioNTech.

Hunyo lang nang sabihin ng Department of Health (DOH) na bukas silang ipagamit ang Sinovac vaccine sa mga batang edad 3-17, basta't mapag-aralan at marererebisa ang kanilang emergency use authorization (EUA).

Aprubado na kasi ang EUA ng Sinovac sa mga 3-anyos pataas sa Tsina noon pang Hunyo 2021.

"The 5-12 year old vaccines, I think by Pfizer, we hope that they will be sending in their application for an EUA very soon," dagdag pa ni Domingo kanina.

"Nagtanong na sila [Pfizer] and they already ask the list of requirements, and they told us that they are completing the requirements."

"Meron lang kasi yatang difference kaonti sa formulation ng vaccine for children. It's like a new EUA ano, kasi may bagong innovation sa product."

Inaantay na lang din daw ng FDA ang Sinovac na magsumite uli ng kanilang mga datos pagdating sa mga batang below 18-years-old:  "They just have to complete some more data to our vaccine experts, and we hope to get that soon," saad pa ng FDA official.

Sa kasalukuyan, tanging Pfizer at Moderna lang ang COVID-19 vaccines na pwedeng iturok sa mga 12 hanggang 17-anyos sa Pilipinas sa bisa ng kanilang revised na EUAs.

Ika-3 ng Nobyembre lang nang umarangkada ang pediatric vaccination ng lahat ng batang 12-17, bagay na reserved lang noon para sa mga may comorbidities.

Lunes lang nang muling idiin ng Kagawaran ng Kalusugan ang kahalagahan ng pagpapabakuna, lalo na't nasa 94% sa mga namamatay dito ang hindi fully vaccinated simula noong umarangkada ang pagtuturok ng gamot noong Marso.

Sa huling taya ng DOH nitong ika-22 ng Nobyembre, aabot na sa 2.82 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na sa virus ang aabot sa 47,288 katao.

CHILDREN

COVID-19 VACCINES

DEPARTMENT OF HEALTH

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

PFIZER

SINOVAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with