^

Bansa

Ex-PNP chief Eleazar pumalag rin sa death penalty revival

Philstar.com
Ex-PNP chief Eleazar pumalag rin sa death penalty revival
In this photo taken on November 23, 2020, inmates at the new Bilibid prison wait for their turn to have their tattoo removed in Manila. Heavily-tattooed Philippine inmates wince in pain as fellow prisoners use improvised tattooing machines to cover up symbols identifying their gang affiliation in a skin-deep effort to reduce jail violence.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Hindi pabor ang dating namuno sa "gera kontra droga" ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng parusang bitay.

Ganito nga ang sabi Guillermo Eleazar, na tatakbo sa pagkasenador sa ilalim ng ticket ng presidential at vice presidential aspirants Sen. Panfilo Lacson at Senate President Vicente "Tito" Sotto III.

"Unless we have a perfect system it’s better to acquit 10 guilty persons than to make suffer or convict one innocent man. Pinakamaganda pa rin pagandahin ang criminal justice natin," ani Eleazar sa panayam ng ANC, Martes.

"Lagi nating nirerespeto ang buhay. I’m after maimprove ang criminal justice sa atin. Para sa atin ang mga criminal na nahuli agad, that is the best crime prevention."

Matatandaang binawi nina 2022 bets Lacson at Sotto ang kanilang suporta sa pagbabalik ng parusang bitay, kahit na sila ang mga nag-aakda ng mga panukalang batas nito noon sa Senado.

Dahil sa pagbaliktad nina Lacson at Sotto sa death penalty, nakatanggap sila ng papuri sa Commission on Human Rights na nagsasabing hindi ito epektibong paraan ng pagsugpo sa kriminalidad, maliban pa sa dapat daw respetuhin ang "sanctity" ng buhay.

Oktubre lang din nang sabihin ni presidential aspirant Raffy Tulfo na nagbago na rin ang isip niya pagdating sa death penalty, bagay na dati niya ring sinusuportahan.

Maliban pa rito, binanggit ni Eleazar na mas mainam na pagtuunan ng gobyerno ang rehabilitation, prevention at reintegration sa komunidad ng mga dating lumalabag sa batas pagdating sa iligal na droga.

"We are guided by laws and protocols. At kung meron lapses na mangyayari kailangan panagutan 'yun... Noong ako nag-chief PNP ako mismo nag initiate... aking sinimulan through the [Department of Justice] na maimbestigahan," wika pa niya.

Mayo lang nang pahintulutan ng PNP sa ilalim ni Eleazar ang DOJ na imbestigahan ang mga extrajudicial killings na siyang naiuugnay sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Bilang pagtugon dito, nagsumite ang PNP ng records ng nasa 53 police operations na nagresulta sa pagkakamatay ng drug suspects. — James Relativo

2022 NATIONAL ELECTIONS

DEATH PENALTY

GUILLERMO ELEAZAR

PANFILO LACSON

VICENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with