1 gradweyt kada pamilya, target ni Bong Go
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyante ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa.
Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang 10 milyong pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap para mabigyan sila ng pang-pinansiyal na ayuda at hanapbuhay.
Kapag natukoy, nais ni Go na tulungan ang bawat pamilya na magkarooon ng isang anak na napagtapos sa pag-aaral.
Sinabi ni Go na kapag siya ay nahalal, kanyang ipagpapatuloy at pag-iibayuhin ang mga naging accomplishments ng Duterte administration.
Sa ngayon, sinabi ni Go na may tinatayang 1.6 million mahihirap na Filipino students ang nakapag-aaral nang walang binabayaran sa tuition at miscellaneous fees dahil na rin sa Free Higher Education program ni Pangulong Duterte.
- Latest