178 government officials at private individuals tatanggalan ng security detail ng PNP
MANILA, Philippines — Umaabot sa 71 government officials at 107 private individuals ang tatanggalan ng security detail ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa pagsisimula ng election period sa January 9, 2022.
Ayon kay PSPG Spokesperson Police Major Jackson Cases, kailangang mag-apply muli ang mga ito sa Commission on Election (Comelec) para mabigyan ng police escort.
Aniya, batay sa Comelec resolution lahat ng protective security, pulitiko man o private individual ay kailangan irecall kahit pa anya hindi tatakbo sa halalan.
Kinaikailangan nilang mag-apply ng Certificate of Authority sa Comelec.
Hinihintay na lamang ng PNP ang Comelec Resolution na posibleng ilabas sa susunod na buwan o sa Enero ng 2022.
Inatasan naman ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos ang PSPG at lahat ng chief of police na tukuyin ang mga pulis na may kamag-anak na pulitiko at paalalahanan na panatilihing non-partisan.
- Latest