^

Bansa

Duterte isusumite SALN sa Senado kung wagi sa 2022, 'basta i-require' — Malacañang

James Relativo - Philstar.com
Duterte isusumite SALN sa Senado kung wagi sa 2022, 'basta i-require' — Malacañang
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-15 ng Nobyembre, 2021
Presidential Photos/Karl Alonzo

MANILA, Philippines — Kung mananalo sa pagkasenador sa susunod na taon, tiniyak ng Malacañang na isusumite ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) sa lehislatura — bagay na ilang taon nang ipinagkakait sa publiko.

Halos taun-taong naglalabas ng summary ng ari-arian, pagkakautang, atbp. ang mga senador sa 'Pinas. Simula 2018, hindi pa nagsasapubliko si Duterte ng SALN. Hinihingi ito sa mga taong gobyerno sa ilalim ng Article XI, Section 17 ng 1987 Constitution.

"Hindi ko alam ang protocol sa Senado, but whatever it is, I'm sure the president will follow whatever protocols or practices there are in the Senate," ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa isang media briefing, Martes.

"When he wins as senator of our republic, then he will follow kung ano 'yung mga policies, procedures and protocols of the Senate."

Bilang dating kinatawan ng unang distrito ng Davao City, sinabi ni Nograles na protocol sa kanila noong magsumite ng kopya ng kanilang SALN sa secretary general ng Kamara.

Madalas gamitin ang SALN para silipin kung may katiwalian sa isang opisyal. Gayunpaman, nilimitahan ng Office of the Ombudsman noong 2020 ang access sa SALNs ng government officials.

Ito ang maya't mayang ginagamit na dahilan ng Palasyo kung bakit hindi naglalabas ng SALN si Duterte, kahit na matagal na itong hinihingi ng mga advocates ng transparency at anti-corruption.

Una nang hinamon ng mga militanteng mambabatas si Digong na maglabas siya ng SALN lalo na't sinabi niya noong io-audit niya ang Commission on Audit kung mananalo siya sa pagkabise presidente sa 2022.

Gayunpaman, naghain ng certificate of candidacy (COC) ang isang representante ni Duterte sa Commission on Elections kahapon sa pagkasenador sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

'Ayaw maglabas ng SALN? Huwag pagtiwalaan'

Kanina lang nang sabihin ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III na dapat maglabas ng SALN si Digong, lalo na't hindi raw dapat pagkatiwalaan ang mga ayaw maglabas nito.

"Yes, I think so. [Duterte] is the president. The people expect transparency in their leaders," wika ni Sotto sa ANC kanina, na tumatakbo naman sa pagkabise presidente sa darating na taon.

"It has to be voluntary perhaps or it’s up to the candidates. So yung candidates na ayaw mag-submit ng SALN, alam na natin na hindi dapat pagtiwalaan."

Maliban dito, idiniin din niya na sa orihinal na Comprehensive Drugs Act of 2002, na kanyang itinakda, dapat ay sumailalim sa mandatory drug testing ang lahat ng kandidato. Gayunpaman, idineklara itong unconstitutional noon ng Korte Suprema.

Sa gitna ng mga panawagan sa paglalabas ng SALN ni Duterte, matatandaang ngayong taon lang nang maglabas ng kopya ng kanyang wealth declarations si Bise Presidente Leni Robredo, na siya namang tumatakbo sa pagkapangulo sa 2022.

2022 NATIONAL ELECTIONS

KARLO NOGRALES

RODRIGO DUTERTE

SALN

SENATE

VICENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with